Jaundice Baby

Hi, mga Ma! Meron po ba dito na ang mga babies nila ay nagka-jaundice or nanilaw? Yung baby ko kasi, nagsimulang manilaw nung Day 3 niya. Nung Day10 na at hindi pa rin nawawala, sinuggest ng Pedia na i-FM ko daw si baby ng 2 days kaso di ko sinunod. 3weeks na si baby bukas pero madilaw pa rin some parts ng face niya pati eyes niya. Napapaarawan ko naman siya every morning basta meron. Should I be worried na ba or normal lang naman to?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

baby ko naiwan s hospital ng 3 dyas dhil s jaundice nag photo therapy sya dun. 24/hrs syang nasa photo therapy for 3 days nakuha nya kc ung blood type q na B+ tpos ung anti bodies naman nakuha nya kay misis kaya nanilaw sya

VIP Member

Paarawan niyo lang po mommy ng mga 30 minutes to 1 hour. Baby ko dati 1 month na medyo naninilaw pa yung mata. Halos araw araw ko po siyang pinapaarawan and thanks god nawala na rin po paninilaw niya

VIP Member

Paaraw lang po momsh 30 mins to 1 hour. Baby ko dati nung halos 1 month na siya medyo manilaw pa sa mata. Pero nagtyaga kami ng hubby ko para paarawan si baby. Thanks god at nawala rin 😊😊

kami ung s hospital pina photo theraphy kami 3hrs every 6hrs ganun katagal. paglabas namin nangitim c baby hahaha pero bumlik namn kulay nia ngaung 1 month old n sya

Mommy pacheck-up mo po sa pedia kasi ganyan baby ko nuon sabi nila naninilaw daw tapos parang may pantal na violet sa kuko niya eksakto 1month niya wala na siya.

mommy Sana sinunod niyo po yung Payo ng pedia niyo . iba iba po Kasi ang dahilan ng jaundice lalo na pati eyes po niya naninilaw padin hangang ngayon

Balik niyo po sa pedia mommy. Pa Check up niyo po. Para makita nya kung anong situation ni baby.

paaraw lang yan. 15 mins sa harap 15 mins sa likod. WAG NA WAG KA MAGBIGAY NG FORMULA MILK :)

4y ago

nope, kahit may jaundice pwede magpabreastmilk at walang problema dito. Hindi updated ang pedia ni sender na kahit my BM jaundice ang isang baby pwede pa din continue ang pagpapasuso, I consult 4 diff pedia at diff area suggest to continue Breastfeed my babies. My mga factor bakit ngkakajaundice, ind compatible ang blood nilang magina (Physiologic jaundice) or mataas ang bilirubin ni baby( inadequate milk intake). Ang breastmilk ay may laxative na to help na mawashout itong bilirubin na ito. Makikita ito sa poop ni baby sobrang dilaw. The jaundice comes out usually in day 3 of babies life merong iba day 1 pa lang. Need lang ng magpasuso ng maayos at tama ang baby para mawash out ito kaya suggest feed every 2 hrs feed on demand. As long as nagGAIN ng WEIGHT at no other sign of liver damage, nothing to worry about 2 babies ko my BM jaundice sila until 2 months old yung iba 3 months pa bago mawala. This info is for this anonymous commenter. Not well inform that our breastmilk is enough

Sa akin ganyan din 1month bago nawala pg binulad mo hubaran mo

VIP Member

Ano daw cause namg paninilaw ng baby mo mamsh?