Jaundice Baby

Hi, mga Ma! Meron po ba dito na ang mga babies nila ay nagka-jaundice or nanilaw? Yung baby ko kasi, nagsimulang manilaw nung Day 3 niya. Nung Day10 na at hindi pa rin nawawala, sinuggest ng Pedia na i-FM ko daw si baby ng 2 days kaso di ko sinunod. 3weeks na si baby bukas pero madilaw pa rin some parts ng face niya pati eyes niya. Napapaarawan ko naman siya every morning basta meron. Should I be worried na ba or normal lang naman to?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nag ka ganyan din yung baby ko before. Pag check up sa kanya ng pedia nya doon namin nalaman na may jaundice sya. Exclusive breastfed ang baby ko. Tinanong nya ko kung umiinom ba ako ng coffee, sabi ko oo.. So, pina stop nya muna yung pag c'coffee ko kasi isa yun sa dahilan ng paninilaw then nag pa laboratory kami for blood type, nakita don na hinde kami compatible ng blood type ni baby. O+ ako at A+ si baby, kaya pala sya naninilaw.. Suggestion ng pedia nya is pa arawan everyday hanggang sa mawala yung paninilaw. Then ilang weeks lang pag balik namin ng pedia, okay na sya

Magbasa pa