Pagpapakasal
Hi mga kapwa ko mommies. Gusto ko lang mag-share ng feelings at humingi ng payo at the same time. 27 years old na ako and may 10 months old baby sa live in partner ko, 1 year and a half pa lang akong nakikisama sa byenan ko pero pakiramdam ko sakal na sakal na ako. Masyado nya pa rin kasing bine-baby yung asawa ko. Madalas nakikialam din sya sa away mag-asawa namin kahit na maliit na tampuhan lang. Fusto ko nang bumujod kaso wala pa kaming ipon para ipagawa yung bahay sa tabi nila. Dati gustung-gusto kong ikasal sa kanya pero nutong mga nakakaraan nakakaramdam ako ng doubt. Dapat magsisimula na akming maglakad ng requirements once na dumating yung cenomar na kinuha namin kaso parang tinatamad na ako. Feeling ko kasi, sa umpisa pa lang ng lahat anak lang talaga ang habol nya sakin. Naiisip ko ngayon baka kaya gudto jyang magpakasal sakin para lang mas tumibay yung karapatan nya sa anak ko. Normal lang bang mawalan na ng spark? Hindi nya sya katulad nung unang mga buwan na magkarelasyon kami. Aware naman ako sa kasabihang "sa una pang yan magaling". Feeling ko mag-isa lang ako. Iniisip ko din baka post partum depression lang ito. Sobrang naguguluhan ako.