Pagpapakasal

Hi mga kapwa ko mommies. Gusto ko lang mag-share ng feelings at humingi ng payo at the same time. 27 years old na ako and may 10 months old baby sa live in partner ko, 1 year and a half pa lang akong nakikisama sa byenan ko pero pakiramdam ko sakal na sakal na ako. Masyado nya pa rin kasing bine-baby yung asawa ko. Madalas nakikialam din sya sa away mag-asawa namin kahit na maliit na tampuhan lang. Fusto ko nang bumujod kaso wala pa kaming ipon para ipagawa yung bahay sa tabi nila. Dati gustung-gusto kong ikasal sa kanya pero nutong mga nakakaraan nakakaramdam ako ng doubt. Dapat magsisimula na akming maglakad ng requirements once na dumating yung cenomar na kinuha namin kaso parang tinatamad na ako. Feeling ko kasi, sa umpisa pa lang ng lahat anak lang talaga ang habol nya sakin. Naiisip ko ngayon baka kaya gudto jyang magpakasal sakin para lang mas tumibay yung karapatan nya sa anak ko. Normal lang bang mawalan na ng spark? Hindi nya sya katulad nung unang mga buwan na magkarelasyon kami. Aware naman ako sa kasabihang "sa una pang yan magaling". Feeling ko mag-isa lang ako. Iniisip ko din baka post partum depression lang ito. Sobrang naguguluhan ako.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang pagpapakasal ay isang bagay na kelangan 100% sure ka kung gagawin mo momsh. Napakabilis magpakasal at mag ayos ng mga papeless para ikasal pero ang pagpapaannul, matagal at mahabang proseso. Tanungin mo sa sarili mo if kaya mo ba tanggapin lahat lahat sa magiging asawa mo. Kasama na dun ang nanay nya. Pag oo na ang sagut mo sa lahat lahat sa kanya, Go... Madame nagbabago after weddding pero depende pa din naman sa inyo. Sa case ko, siguro iba yung expectations ko versus reality. Pero still, andito pa din ako kase tinanggap ko ng buong buo ung asawa ko at magsstay ako hanggang huli. Sana ganun din mangyare sayo mommy. Praying for you. Sana makapagdecide ka ng tama. God bless

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis! Sobrang touched ako sa mga comments nyo... Siguro kailangan ko lang din talaga ng mahihingahan, salamat po sa mga sagot nyo. Pag-iisipan ko pong mabuti. God bless po