Pagpapakasal

Hi mga kapwa ko mommies. Gusto ko lang mag-share ng feelings at humingi ng payo at the same time. 27 years old na ako and may 10 months old baby sa live in partner ko, 1 year and a half pa lang akong nakikisama sa byenan ko pero pakiramdam ko sakal na sakal na ako. Masyado nya pa rin kasing bine-baby yung asawa ko. Madalas nakikialam din sya sa away mag-asawa namin kahit na maliit na tampuhan lang. Fusto ko nang bumujod kaso wala pa kaming ipon para ipagawa yung bahay sa tabi nila. Dati gustung-gusto kong ikasal sa kanya pero nutong mga nakakaraan nakakaramdam ako ng doubt. Dapat magsisimula na akming maglakad ng requirements once na dumating yung cenomar na kinuha namin kaso parang tinatamad na ako. Feeling ko kasi, sa umpisa pa lang ng lahat anak lang talaga ang habol nya sakin. Naiisip ko ngayon baka kaya gudto jyang magpakasal sakin para lang mas tumibay yung karapatan nya sa anak ko. Normal lang bang mawalan na ng spark? Hindi nya sya katulad nung unang mga buwan na magkarelasyon kami. Aware naman ako sa kasabihang "sa una pang yan magaling". Feeling ko mag-isa lang ako. Iniisip ko din baka post partum depression lang ito. Sobrang naguguluhan ako.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag nalang muna magpakasal kung nag dadalawang isip ka wag magmadali 😊 mas ok kung sure na sure kana na siya yung gusto mo makasama hanggang tumanda. And regarding naman sa LIP mo mas ok kung pagusapan niyo ng masinsinan lahat, mas ok na alam niya yung saloobin mo kesa bigla ka nalang puputok pag napuno kana. Ang pagaasawa or pagiging magkarelasyon di lang naman yan sa kilig, minsan may times na parang wala nang spark pero hindi ibig sabibin di niyo na mahal isa't isa at di rin pwedeng lagi na pag nawalan na ng spark sa isang relasyon aayaw kana at hahanap ng iba na may spark kasi maniwala ka dadating talaga sa point na parang wala ng kilig at nasa inyo parehas kung pano niyo bubuhayin ulit minsan kasi sobrang fed up ka lang sa situation niyo kaya feeling mo wala na. nadadala ng inis. And lagi dapat parehas kayo umuunawa, parehas kayong gumagawa ng paraan para ipakita na mahal niyo isat isa. Yung pagaaway, make sure na hindi nakikita ng iba, kung magaaway kayo lagi kayo lang dalawa at walang ibang nakakakita o nakakarinig para walang ibang nakikisali.

Magbasa pa
5y ago

Thank you mamsh... Medyo naiiyak ako habagng binabasa ko 'toh. Need ko lang siguro ng karamay... Malaking tulong po yung mga sagot nyo....