WORTH THE PAIN β€β€
Meet my twin Baby A: 2.3kg Baby B: 2.1 kg DOB: SEPT 15, 2020 Babies out π God is so good at hindi nya kami pinabayaan β€ June 17, 24 weeks ako nun nang mag open ang cervix ko. Check up lang sana sa hospital kaso hindi na ako pinauwi ng ob kasi nakita nya nagopen cervix ko which is common daw sa mga multiple pregnancy. Naconfine ako at kinaumagahan tinahi ang cervix ko ( cervical cerclage). May inenject din sakin para sa lungs ng mga babies just in case lumabas na sila. After 3 days confine nakauwi naman na kami. Advice for full bedrest talaga kahit dumumi or ihi kailangan sa bed. Sinunod ko lahat ng sabi ng ob ko.Sobrang hirap pero iniisip ko ang kapakanan nila. Lagi ko ding kinakausap mga babies ko na wag muna sila lalabas. Umabot kami hanggang 36 weeks check up ko ulit medyo tumataas bp ko kaya magdecide na ob ko ilabas na sila. Lumalayo din difference ni baby B kaya need na din sila ilabas. Sept 15, for schedule Cs ako. Thankfully hindi na sila na incubate paglabas nila. Healthy sila ππ So thankful sa app na ito. Dami kong natutunan. Kapag may maramdaman ako search ko agad similar post π#theasianparentph #firstbaby #FamHealthy