βœ•

30 Replies

VIP Member

Basta siguro yung enough na makilala mo siya bago kayo magpakasal. Okay lang mabilis na ligawan kasi usually naman mas makikilala mo yung lalaki pag naging kayo na. Kami 15 years bago kami kinasal at nagsama so sobrang kilala na namin isa't isa pati mga pamilya namin πŸ˜…

sakin kase sa text lang kami naging kami.. πŸ˜‚πŸ˜‚ pero nung naging kami naman saka nya ko niligawan .. then ayun kinasal kami after a month .. then till now ok naman kami.. 😊 blessed naman ako na sya nakatuluyan ko kase napaka sipag nya at reaponsable .. 😊

VIP Member

Wala sa ligawan for me. Asawa ko di man nanligaw ng matagal basta MU kami bago naging kami. Saka di sya sweet kung paano sya nung una ganun parin sya until now. Di sya nagpakitang tao na ligaw ligaw haha yung iba kasi mabait pag nanliligaw

VIP Member

Ako po kasi saglit lang ako niligawan ng hubby ko pero isa lang masisigurado ko. Sya yung hiniling ko kay Lord. Masarap kasi bigay sya ni Lord sayo. Sabi ko kasi ibigay na ni Lord yung taong para saakin habang buhay. 😊😊

Wala sa tagal ng ligawan yan as long as loyal kayo sa isa't-isa, may commitment, no secrets, pinaguusapan ang problema. Pag galit ang isa dapat mahinahon ang isa. At marunong mag handle ng relationship magtatagal kayo.

Hindi naman matagal, hindi naman sa madaliang ligawan. Kung kailang feel mo na at feeling mo ready ka naman na sakanya. Go na. Nasa tao pa din naman kasi yan, kung pano mo siya makikilala or kikilalanin pa ng lubusan.

Relasyon po ang pinatatagal dapat, hindi ang ligawan. Ligaw kasi pwedeng pakitang tao lang muna yan kasi nagpapagoodshot e. Pag kayo na, dun mo na talaga makikita ang totoong kulay ng isang tao.

Depende namanpo sa tao. Yung boyfriend ko po ngayon is 2days kolng nakilala naging kami agad hahhaha sa awa ng diyos 2yrs na kami at sobrang maalaga samen ni baby

Depende sa sitwasyon. Kung tiwala ka at alam mong siya na binigay sayu ni Lord huwag mo ng patagalin ang panliligaw niya. Ang importante yung maayus na relasyon.

Yung bf ko ngayon sobrang bilis lang parang 2weeks lang hahahaha 1st gf nya ko, and ayun magkakababy na kami. Habang tumatagal naman mas nakikilala ko sya 😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles