Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
PCOS Survivor ¦ Soon to be a Mom ¦ FTM
Help Mommies
7mos old po kahapon si LO. Napansin ko this morning meron na syang parang namuong dugo sa mata. Is this something we should be bothered of? Natatakot kasi ako dalhin agad sa clinic si LO gawa ng pandemic. Dami cases dito samin e. Kahit mga babies nagkakaron ng Covid dito. Sino po may same experience? And ano po ginawa nyo para gumaling po? Salamat.
ECG Result
Hi po, magandang araw. Baka may nasa med field po dito na sanay magbasa ng ECG result? Kahiy pahapyaw lang po. For peace of mind lang po sna. Nagwoworry ako since 1st time ko po magpa ECG. Baka po may makatulong sakin kasi sa Oct15 pa po balik ko sa OB. Wala pa po onduty knina nung nagpunta ako ospital eh. Maraming salamat po.
Why?
Mommies, sino nakaexperience dito manganak sa hospital (lalo na public hospital) tapos ung nagpaanak sayo pinakikialaman yung name ng baby mo? Like pinapabago buong name or iniiba ang spelling ng pangalan ni baby? Meron po ba? Kasi I am worried when my friends told me they experienced something like this in the hospital when they gave birth. Bakit po kaya nangyayari to? May standards na bang dapat sundin sa paggawa ng name ng baby natin? Hehe, curious lng po kasi gumagawa n kami name ng baby nmin. Thank you!
Promama
Good morning mommies! Sino po dto nakainom ng ganito? Ilang scoops nilalagay nyo sa isang timplahan sa isang typical cup? Nagbasa kasi ako ng direction, 6 level scoops. May pantakal syang kasama. Kaso tinikman ko, masyado matapang ung 6 scoops. Binaba ko sa 3 scoops per tasa ??? Thank you po! Sorry po kasi kahit before pregnancy, di tlga ako palainom ng gatas or kape or milo. More on water po ako kahit umaga. Di talaga ko sanay mag timpla hehehe ?
Baby Girl's Name Suggestion?
Good evening mommies! Ask lang po. Baka matuLungan nyo ako mag isip ng name for my baby girl. Gusto ko po sana pagsamasamahan sa isang name lang yung names ng tatlong pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Isang name lng po, since may nakalaan nang second name yung baby ko. Need ko lang po ng first name. Gusto ko po pagsamahin sana yung AMELITA AMALIA, & ADORA. I could only think of 1 possible combination which is "Amieliara" pronounced as "Eymiliyara" Baka po may iba pa kayong naiisip. Please help po, ang hirap mag isip! Hahaha ? Salamat po! Godbless us! ?
Weight Increase Problem
Mga mommies, ask ko lang po, may pregnant din ba dito na nahihirapan magpabigat or magdagdag ng timbang? Ok naman kami ni baby, healthy naman. Kaso sabi ng OB ko hindi daw normal na di ako nag gain ng weight kasi macocompromise daw ng growth ni baby. Ang lakas naman namin kumain. Magana ako kumain, hindi kasi ako nakaranas ng paglilihi o pagseselan sa pagkain. Kumpleto rin ako sa vitamins and nagffruits palagi. Niresetahan nya ko ng gatas na Threptin. Problem is, nakailang mercury drug na po kami, wala kmi makita. Sabi ng staff, baka sa Ob ko lang meron. Wala naman stock ung OB ko ng ganon gatas as of now. Any recommendations? Should I be worried about my weight na same same pa rin kahit 5 months pregnant na ko? Salamat po.
Myth or Nah? :D
Hi mommies! Good morning! Nakita ko lang sa fb. Not saying that this is true tho. Alam naman natin that each pregnancy varies from one another. Natuwa lang ako sa post. Yung sakin mukhang lalake. Instinct ko rin is telling na lalake dinadala ko. ? Ayaw kasi magpakita ni baby sa utz, naka-indian sit pa rin ???
FERROUS FUMARATE VIT-B COMPLEX
Mommies, sino may iniinom na ganitong gamot sa inyo? As in same brand? Please let me know. Wala na kasi stock ng Ferrous Sulfate na recommend ng OB ko, yan pinalit. Thanks in advance!
Baby harap ka na next checkup natin ?
Excited to see my little one. Sana next ultz pakita na nya face nya. Harap naman sya konti kasi nakatagilid sya last month e. ? 16w2d preggy ☺
UNPAID MATERNITY LEAVE??
Ako lang ba yung may employer dito (private sector agency) na papayagan ka mag maternity leave pero hindi nila babayaran leave mo? When in fact nakalagay sa R.A. No. 11210 na PAID LEAVE BENEFIT GRANTED TO A QUALIFIED FEMALE WORKER IN THE PRIVATE SECTOR COVERED BY SSS, INCLUDING THOSE IN THE INFORMAL ECONOMY, FOR THE DURATION OF: a. 105 DAYS FOR LIVE CHILDBIRTH, REGARDLESS OF THE MODE OF DELIVERY, AND AN ADDITIONAL 15 DAYS PAID LEAVE IF THE FEMALE WORKER QUALIFIES AS A SOLO PARENT. b. 60 DAYS PAID LEAVE FOR MISCARRIAGE AND EMERGENCY TERMINATION OF PREGNANCY I already contacted our company. Although I am qualified, they wont pay my maternity leave because of their NO WORK NO PAY POLICY daw. SSS benefits lang daw makukuha ko. (na 2 months lang daw kahit 105days na ang nasa batas ngayon. Ksi wala pa daw slang memo regarding 105days mat leave.) Any mommies here na kapareho ng sitwasyon ko? FTM po ako, and kasalukuyang inaalam ang mga rights ang privileges ng pregnant employees.