Martes at friday
martes at Friday bawal daw maligo ang 2 month old baby? totoo po ba yon or hindi
Kasabihan po ng mga matatanda ganyan.. Yung mga anak ko po ganyan hanggang mag 1yr old yung panganay ko dto nman po sa 2nd ko 8mos. plng sya but still di pdn pinapaliguan ng tue at fri kaya punas lang twice a day every tues at fri.. my mom and mil po laking probinsya kaya mapamahiin tlaga sila.. nasa sa inyo pdn po yan bsta po ako I make sure na malinis lagi mga anak ko at mabango maligo man o ndi..
Magbasa pahindi naman ikamamatay ang mag skip ng ligo lalo na twing friday, pero pag ang baby nalamigan pulmonya, sipon ubo ang kahihinatnan, pwede naman punas punas bimpo, pulbo, minsan hindi lahat pinapaniwalaan at minsan din walang masama kung maniniwala sa mga myth, bakit anu bang masama dun? wala naman diba, nasa inyo padin naman, respretuhan nalang kanya kanya naman tayo ng mga anak
Magbasa paSi lo ko po simula newborn hanggang ngayon po 3months na siya di ko pinaliliguan pag tuesday at friday. Sabe ng mother ko bawal daw kaya sinunod ko na lang haha wala naman mawawala. Katawan lang binubuhusan ko hindi na ulo
pamahiin yan mommy . ginagawa ko nalang kasi respeto ko sa mga nakakatanda . diko nililigo pero pwede naman talaga liguin ang baby . para fresh araw2
Nope. Araw araw daw paliguan ang baby para presko lagi pakiramdam nila. And syempre warm water lang para di sila lamigin at magkasakit
Myth, yan din sinabi ng in-law ko. Pero sinunod ko na lang as a sign of respect na din. Pero may ibang myths na di ko sinusunod.
alm q pamahiin Yan Ng mga mattanda pero sinusunod qpa dn hndi qdin ni liligo c baby Ng Tuesday & Friday 😊
Hindi po. Everyday dapat paliguan ang baby, un po ang proper hygiene. 2x a day kapag mainit sabi ng pedia.
nung nakatira ako sa byenan ko binabawalan akong paliguan syang tuesday at friday. sinunud ko nalang po.
no po araw araw kming paliguan ng mga magulang ko, ganun din ako sa mga anak ko. ok nmn kming lahat