Bukod At Hindi Nakabukod
Maraming mga mag asawa ang nakapisan sa pamilya ng babae o ng lalaki. Mahirap, walang privacy at hindi ka kumportable, Nag hahangad na balang araw makakabukod din kami. Nakakatuwang isipin na kahit nakabukod kami e nararanasan ko din ang hirap at hindi kumportable sa araw araw. Tama nga sila mabait man o hindi ang biyenan hindi dapat sila pinagsasama ng asawa mo sa iisang bahay. Noong dating wala naman kayong problema unting unti nagkakaroon na. Mga bagay na hindi napagkakasunduan, pakikialam at asawang nahahati ang atensiyon sa magulang at asawa't anak niya. Asawa na sa bandang huli malilito na kung anung dapat gawin niya. ? Kasakiman bang maituturing kung hilingin sa asawa na pauuwiin na lang sa probinsiya ang nanay niya? O Dapat bang iisantabi na lang yung nararamdaman mo at mag tiis na lang hanggang kelan kaya?