Bukod At Hindi Nakabukod

Maraming mga mag asawa ang nakapisan sa pamilya ng babae o ng lalaki. Mahirap, walang privacy at hindi ka kumportable, Nag hahangad na balang araw makakabukod din kami. Nakakatuwang isipin na kahit nakabukod kami e nararanasan ko din ang hirap at hindi kumportable sa araw araw. Tama nga sila mabait man o hindi ang biyenan hindi dapat sila pinagsasama ng asawa mo sa iisang bahay. Noong dating wala naman kayong problema unting unti nagkakaroon na. Mga bagay na hindi napagkakasunduan, pakikialam at asawang nahahati ang atensiyon sa magulang at asawa't anak niya. Asawa na sa bandang huli malilito na kung anung dapat gawin niya. ? Kasakiman bang maituturing kung hilingin sa asawa na pauuwiin na lang sa probinsiya ang nanay niya? O Dapat bang iisantabi na lang yung nararamdaman mo at mag tiis na lang hanggang kelan kaya?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo. Nanay ko nakikitira. Uncomfortable. Di talaga maiwasang may masabi sa asawa ko. Pinagdadabugan pa nga. Mag 5 years ng ganito set up namin kaya napupuno na rin asawa ko. Malapit na daw niyang patulan. Hilig kasi magmema. Mga unsolicited advice ba. Natutulungan naman namin ang isa't isa sa financial aspect. Pero ayun nga nakakaapekto yung attitude ng nanay ko. Kesyo kung di pala siya komportable at gusto niya siya masusunod bakit di pa daw umalis dito. Kaya nga pinagdadasal ng asawa ko makaipon para makabili pa ng another property. Nagtitimpi nalang daw siya sa nanay ko at malapit ng sumabog. 😐😢😢

Magbasa pa
6y ago

Nanay ng husband ko ang nakatira samin sis. Biyuda na siya ang kasama niya sa probinsiya yung bunsong anak niya na may asawa na din pero wala silang anak. Nung nanganak ako lumuwas agad yun biyenan ko pa manila mula march 2019 kasama na namin siya. Nung una akala ko dala lang ng stressed dahil bagong panganak pero habang tumatagal lalo ko nagsusungit talaga. Hanggang sa recently lang muntik na kong sumabog. Dumating na ko sa point na hindi ako makatulog. Gusto ko ng sabihin sa asawa ko pero tinatanya ko padin hanggang saan kaya kong tiisin. Anung reaction mo sis nung nag open ng ganubn sayo ang husband mo at nanay mo ang kinaiiritahan niya?