Palabas lang ng sama ng loob
Mali ba ako? Oa na ba? Ang gusto ko lang naman unahin nyang isipin ang pamilyang binuo nya. Ang asawa ko pakiramdam ko laging pamilya nya una sa list of priority nya. Kahit ipaintindi ko sa kanya na ok lang naman na ipriority nya sila pero we especially our daughter is on top of it. Ang ginagawa nya kasi lagi, inuuna nya kung saan magiging masaya ang pamilya nya kahit pwedeng ikapahamak ng bata. Just a few minutes ago we had an argument. Gusto nya pumunta kami sa kapatid nya na kagagaling lang ng quarantine and currently may sipon at idk sore throat din ata kasi namamaos din sya. Ang alam ko after 14days bago matapos ang quarantine may antigen naman. Kaso nag iingat lang ako kasi may sipon pa sya and namamaos pa rin. Our child is my concern. Lalo na pag nakikita nya lapit sya agad kasi malapit ang bata sakanya. Ayokong mahawaan sya tapos ano? Kami? Ako na naman may kasalanan pag nagkasakit sya na akala mo pinapabayaan ko. Stress na stress ako. Lagi nalang yan ang issue. Di ko naman pinagbabawal eh ang gusto ko lang naman dapat safe pa rin ang anak ko.