Rant lang

FTM here, pero hindi naman kami newly weds ng asawa ko, we waited 2 years before our baby arrived last year, so super excited kami. NaCS ako and syempre babalik na si hubby sa work, 1 month din naman sya nagpaternity leave. Pero kahit ganon, after 1 week of delivery naglalaba na ako, kumikilos ako sa bahay, di ko maipagkatiwala yung pagbabantay sa kanya sa bata kasi pag di nya mapatahan nanggigil sya, pinipitik nya (di naman malakas, pero alam ko kasi muka nya pag naiinis), pag di nya mapatulog, iugoy nya ng malakas, sasabihin nya sya magbabantay sa gabi, pero para di sya antukin magcocomputer sya, pero pag napasarap ang computer nya, kahit umiiyak bata di nya pansinin, maiinis sya ulit kasi naiistorbo sya, so one time sabi ko ako na lang aasikaso sa bata, sya sa gawaing bahay, kasi yun din naman bilin ng OB. Ngayon nagagalit sya, di daw naliligpitan ang bahay, kumuha na daw kami ng katulong, lahat ng nilabhan ko kahapon na titiklupin pa lang inintsa nya sa sahig kasi di nya mahanap short nya... Matindi tong taong to, mas mahimbing pa matulog sa bata sa gabi, gigising ng maaga kuno para ibilad ang bata, 30mins lang naman max nya na tatayo sa labas di man lang imaximize ang pagbibilad. Mauna pa syang magsiesta ulit. Ngayon buhat nya, nakalaylay yung ulo ng bata, habang nakain sya (sya mismo ah, hindi yung anak ko) ng breadstick pero mamaya magstatus yan ng another sleepless night.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Jusko, wag mo hayaan kurutin si baby kahit pa hindi malakas. Kaloka si kuya. Ang hirap pa ng ganyan, wala ka kahalili sa gawain. Napagusapan nyo na ba yan ng masinsinan sis? Baka kasi nagaadjust pa din sa baby husband mo since 2 years din kayong nagsama na kayong 2 lang. Paintindi mo na lang din sa kanya na may baby na kayo, hindi pwedeng ikaw at ikaw lang. Mahirap na kasi kumuha ng matinong kasambahay din ngayon eh.

Magbasa pa

Kapikon po partner niyo. Walang kusa and kulang sa pasensya. Dapat nga Hindi ka pa gumagalaw sa bahay Kasi CS ka at baka mabinat ka. Mas malaking problem Yun. Try to talk to him sis