hi sis. dont listen to others na nagaadvise ng hiwalay agad lalo naman kung hindi third party ang dahilan. be strong po sa inyong relationship, kasal man po kayo o hindi. mukhang nabigla po partner nyo na siya na lang lahat nagbabayad kaya siya nagkwekwenta. natural lang po na reaksyon yun. hindi po ok na "hindi kau nangingialam" ng pera ng partner nyo kasi may family na kayo. pwede po "kayong mangialam na parang hindi kayo nangangailam ng pera" ng partner mo in a nice way. halimbawa, ganto. "hon, gumawa ako ng monthly budget natin para makatipid tayo, para hindi ka na rin mahirapan magisip kung saan iaallot ang pera." o kaya sabihan mo sya ng assurance na "hon, pansin ko nahihirapan ka magwork. wag ka mag-alala. kapag malaki-laki na anak natin, tutungulan kita sa gastusin." or pwede kang magbiro na "hon, baka naman pwede mo akong bigyan ng puhunan dyan kahit 5k lang, para matulungan kita sa gastusin at makaraket ako kahit papano." napakalaking bagay po sis na marinig mula sa partner mo yung mga salitang "wag ka magalala" "tutulungan kita" "para hindi ka mahirapan." etc. naranasan ko rin po kasi yan. ako po ay working mom and i have a house husband. lagi ako nagkwekwenta, pakiramdam ko wala akong katulong. pero noong sinabihan ako ng husband ko na wag ako magalala at raraket naman siya, gumaan po pakiramdam ko.
nakakadagdag siguro sa feeling down mo yung sanay ka ng ikaw nag work momsh tpos ngayon wala kang sariling pera kaya ka nastop..pwedeng hindi naman ganun yung msg na gusto iparating ng partner mo pero dahil nallungkot ka iba nagiging dating sayo..naniniwala po aq na lahat nakukuha ng mag asawa sa mabuting communication..be open po sa partner mo about how you feel para alam mo din tlg ano narramdaman niya.. di rin po pwede na hindi ka kamo nangingialam ng pera..parang you both need to discuss your earnings and expen kasi ganun ung mag asawa,mas nararamdaman niyo ung teamwork niyo as couple..baka mamaya di naman ganun kalaki yung kita nung partner mo or may problema din pala siya di mo pa alam..you should talk.. totoo pong pag nag sama sa loob ng bahay saka mo makikilala kami kasi ng husband q 5years kami bf/gf before nagpakasal..pero madami ka pa din nga malalaman about him n akala mo alam mo n lahat..pero open communication po ang maiaadvice q sayo momsh tlg,di naman kailangang hiwalay agad isipin mo din mga anak niyo.. sa feeling worthless naman,try online businesses na kkita ka kahit konti na nasa bahay ka para you dont need to left your baby pa..para lang mabalik yung self esteem mo na kumikita ka kahit papano.. and pray po for enlightenment..
Siguro momsh, mas maganda magusap po kayo ng partner nyo. Sabi nyo kasi, in the past, basta usapang pera di ka nakekealam, iba na po kasi situation nyo ngayon, magkasama na kayo sa bahay, so kailangan pagusapan ang mga topics na mej mahirap pagusapan. I believe na dapat kayo magkatulong kayo sa responsibilities, pero di lang po sa pera, kahit di ka nageearn ng pera ngayon momsh, you just gave birth to a child, and hindi din madali magalaga ng anak. Hindi man ito monetary, may ginagawa ka padin and di nasususkat ang worth mo sa pera na naiiaambag mo sa family mo. Please remind your partner na magkasama kayo sa decision na 'to, and walang sumbatan na kailangan maganap, kailangan lang magusap para magkainitindihan kung pano magiging dynamics nyo as a family ππ€
I get your feeling na hindi kumikita, I had a full time job before getting pregnant, I felt absolutely useless. I know it's not true but, it's just how I felt π€·π»ββοΈ Anyway, talk to your partner po about your finances. When I was still working we had separate bank accounts and a separate one where we transfer funds for shared expenses, like rent, bills, and groceries. Mahalaga pong malinaw ang usapan about finances, isa po yan sa pinakacommon na issue sa mag-asawa. Be open lang po, wag na sana ungkatin muna yung dati, focus on how you want to move forward. I hope makabalik ka na sa work mo or do something worthwhile para bumalik yung kumpiyansa mo sa sarili mo. It's not about the money, I know it feels like it is, but it isn't β€οΈ
alam mo momsh pagusapan niyo muna yan ng partner mo ng maigi ilatag mo sakanya lahat ng bayarin niyo at mag set kayo ng budget every month para alam niyo magkano ang need niyo per month to live comfortable.. ung bang sapat pambili ng pagkain, pabayad ng kuryente, upa at kung ano ano pa...tandaan niyo na nag plano kayo mag sarili so tingin ko nan naisip niyo ung ggastusin ninyo once nakabukod na kayo.. set a budget and make sure you live within that budget... saka dapat si partner since may anak na kayo and medyo hirap ang budget dapat gumagawa din siya ng means par tulungan ka... wag unahin ang other hobbies dapat family muna bago hobbies or bisyo
alam mo sis mag mabuti pang wag nalang kayong magsama tapos iobliga mo syang magbigay ng sustento sa mga anak nyo. responsibilidad nya yun sis. kung pati sustento ayaw nya magbigay eh di mas lalong dapat iniwanan mo na sya. dagdag lang sya sa problema mo. Alam nyang naka mat leave sya pero ganyan sya, kulang sa intindi ng sitwasyon sis. mahirap yung ganyan yung pakikisamahan mo habang buhay. pero sana matauhan sya. sana maging vocal kadin sa kanya sa mga problem, pag wala parin sis not worth it.
kaya advisable talaga yung live in muna bago kasal or anak kasi dun mo makikilala ng lubusan yung tao. Kung ako sayo momsh bigyan mo sya ng panahon mag isip. pauwiin mo sya sa kanila π parang teenager sya kung umasta. dapat di sya nangkwekwenta. agree ako sa 1st commenter dagdag lang sya sa gastusin at sakit sa ulo pa. Mas nanaisin ko maging broken family kesa naman puro problema at sakit sa ulo yung ibibigay ng partner ko.
hello sis. Pag usapan nyo po dalawa mag asawa ang mga problema mo/nyo.. Mas mabuti open up kayo sa lahat ng bagay2 . kaya nga mag asawa para mag tulungan lalo na may mga anak kau..Basta pag usapan nyo po muna mag asawa problema nyo.. kung hindi sya madala sa mabuting usapan.ikaw lang makaka disisyon nayan kung ano ba ang tamang gawin. . kasi nagiging useless yung asawa mo kung hindi ka nya tinutulungan sa mga problema nyo lalo na sa mga anak nyo.
Kaya ako kahit may baby na kami ng bf ko ayaw ko munang magpakasal kahit sinasabi nya na at ng family nya na magpakasal na kami. Mas gusto ko na bumukod muna kami para makita ko totoo nyang ugali pag kaming dalawa na lang. At pag di kami nagkaayos lalo na pagdating sa usaping pera, mas ok na maghiwalay na lang kami kesa ma-stress lang ako at baby ko sa ganung environment.
Tanong ko lang. Bat nagstay ka pa din sa kanya? Kung ako yan, iiwanan ko na yan. Dagdag lang sya sa gastusin eh wala naman syang tinutulong. π Imbis na magconcentrate ka sa anak mo dagdag pa sya sa iniisip mo. Saka bakit d mo sya inuobliga na mag-ambag? Wala naman mali don. Kaya cguro ganyan din sya kasi d sya nasanay na nagbibigay.
Kristal Matnog