relatives na kasama sa bahay problem

Maishare ko lang mga mi ang hirap at nakaka istress yung may kasama ka na relatives sa bahay kase nakikitira lang kame sa lola namin kasama namin nga pinsan namin na may mga anak na, ako nakabukod naman ako pero napauwi lang ako kase nagbuntis ako, yung isa ko kaseng pinsan hiwalay sya sa asawa nya may 2 silang anak 3yrs and mag 2yrs simula nung nag work sya ang dalas na nya maginom. yung tipong pag nakainom sya parang wala ng bukas lasing na lasing hanggang sa hindi na nya naaalagaan mga anak nya tapos pag day off sya ganun din kame padin nag aalaga parang feeling nya dalaga sya ganun, tapos itong pinsan namin na magkapatid makikita na lang namin suot na yung mga damit namin kahit na hindi naman nag paalam, tapos pag kame ang manghiram, kase need lang, sila tong ayaw mag pa hiram kesho bago daw hindi pa daw nya nagagamit pero sya tong gumagamit ng damit ko kahit hindi ko naman ninibigay sa kanya, napaka hirap makisama sa taong ganun lalo pat yung mga mas nakakatanda dito sa bahay namin eh hindi man lang mapag sabihan kahit na sumosobra na, tanong ko lang nga mi kung kayo ang nasa sitwasyon ko sa palagay nyo dapat ba ako na ang umimik sa kanila na bagu baguhin yung mga ugali nila kase namimihasa na ho. ngayong umaga kase mejo nagkakasagutan kame nila lola kase nga ganun mga ugali ng mga pinsan ko, ang akin naman sana sila lola ang nakakatanda sila sana ang magpangaral baka kase sabihan yung lola oh mama nya hindi sya pinag sasabihan ako pa kaya mag sasabi sa kanila, sinabihan ako ng lola ko na ako daw ang magsabi sa mga pinsan ko ng mga sinasabi ko kanina, mga mi pa advice naman ang ayaw ko lang kase na pag ako ang nagsabi sa kanila ay minamasama nila iniisip ko lang kase na kung matanda ang nagsabi eh hindi nila masamain

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply