Need ng advice please mga momshie 🥺🥺

Ako lang ba yung asawa na naiinis pag monthly nag iinuman yung pinsan at kaibigan ng asawa ko? Yung pinsan kasi nya mahilig uminom .Style kasi ng pinsan nya pupunta samin kasama friend nya. (May pool board kc samin, yung parang billiard) mag po pool kunwari pero ang pakay eh uminom. Dinadayo pa asawa ko. Pag gabi pumupunta. Tas yun asawa ko dahil pinsan nya, bibili sya ng alak at pulutan. Dahil kabisado na nya pinsan nya. Gusto lang uminom (Dito pala sa bahay namin cla nag iinom) Naiinis lang ako at sagot pa ng asawa ko yung alak at pulutan. Saka wala naman okasyon para uminom. Ginagwa pang inuman bahay namin. Nagagalit lagi ako sa asawa pag umiinom cla. May baby kami 9 months. Full time mom ako at sya ang mag wowork. Nakaka inis din momshie kc pagod kana sa kaka alaga tas habang sila umiinom. Tas sabi nya haharapin lang daw nya. Pinsan nya at hindi sya iinom. Hindi ako naniniwala na Nd sya iinom. Any advice mga momshie kung ano maganda gawen? Thank you 🥺 advice #firstimemom

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Isa lang ang solusyon jan, kausapin mo si hubby. Sabihin mo ang saloobin mo, communication is the key ika nga nila. Kapag kasi sinarili mo yan paano niya malalaman na hindi ka okay sa ginagawa nila diba? Kung paminsan-minsan lang ang pag iinuman nila e sa tingin ko e ayos lang, wag lang yung palagian. Lalo na't siya pa ang gumagastos ng pang inom at pang pulutan. Meron na kayong pamilya ngayon, mas dapat inuuna ang pang gastos sa bahay ninyo at sa needs ng anak ninyo before anything else.

Magbasa pa

Tanggapin. Monthly lang naman nag-iinom asawa mo at jan pa sa bahay niyo. Ayaw mo ba yun,nababantayan mo pa.Kung minsan lang naman iinom si husband bakit hindi nalang pagbigyan, as long as nagagampanan niya mga obligasyon niya bilang padre de pamilya. Hayaan natin mag enjoy mga asawa natin paminsan-minsan. Ikaw rin,kapag pinaghigpitan mo yan,baka masakal ng husto. Ang pangit ng relasyon ng mag-asawa kung ang tingin ng lalaki is sinasakal siya masyado.

Magbasa pa

Sis ako nga minsan every weekend eh at talagang nagagalit ako,di kase ako makatulog pag lasing hubby ko. Napupuyat ako,may trauma kase ako sa lasing lasing na yan. Bakit di mo kausapin hubby mo or yung pinsan na mismo para direct to the point na. Prangkahin mo na,ipakita mo na ayaw mo ng ganon na ginagawa nila.

Magbasa pa