Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Baby passport
Mga mommy sino po dito ang baby na passport holder na? ilang months nyo po napagawan ng passport si baby? ako kase gusto ko na pagawan ng passport si LO ko she's turning 3 months na on feb 16. But the problem is wala pa akong copy ng birth certificate nya from PSA and may napagtanungan ako na 6 months onward pa daw nareregister ang baby sa PSA. Any of you na may same case sa akin? need help what to do kase baka any month mag out of the country kame gusto ko kasama si baby sa kasal ng tito ni husband. ayaw ko naman syang iwan at i formula, pure breast feed kase sya
dry skin normal lang ba oh dahil sa soap na ginagamit nya
Hi po normal lang po ba sa 2 weeks old baby na nagbabalat sya at parang dry ang skin nya? hindi po ako sure kung dahil sa soap nya or dahil lng sa natural na pagbabalat sya, lalo na sa tyan at sa bandang both eyes nya.
stress na stress na ako 😭😭😭
I'm currently 39w4d na hindi ko pa alam kung nag oopen na ba cervix ko as per check up ko last Wednesday pabuka pa lang daw sabi ng midwife tapos yung mga tao sa paligid ko kung ano ano pa sinasabi sakin stress na stress na ako naiiyak na lang ako sa tuwing tinatanong nila bakit hindi pa ako na nganganak ginagawa ko naman na lahat naka 3 banig nako ng primrose pero ganun padin ang hilab hindi padin consistent pero panay ang tigas ng tyan ko halos nanginginig na tuhod at leegs ko kalalakad at squat ganun padin, yung mga kasama ko sa bahay palagi ko na lang naririnig na bakit kame noon hindi ganyan, ang sakit lang sa loob ko na parang wala akong ginagawa para lumabas si baby na kung tutuusin kung ako lang ang masusunod gusto ko na talaga lumabas si baby natatakot na ako at naiistress dahil sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa akin.
Mucus plug or hindi
Mga mhi 41w3d LMP, 39w3d sa 2nd ultrasound, 37w2d last ultrasound may lumabas na parang sipon pero wala naman pong kasamang dugo litong lito na kase ako kung over due na ba ako or hindi pa pero nahilab hilab naman na po last I.E is nung Wednesday sabi sa lying in pabuka pa lang daw po cervix ko kay mejo nag woworry ako and at the same time nakaka stress kase yung mga tao dito sa amin laging tinatanong kelan daw lalabas si baby nag tatagtag naman po ako at nag eexercise din kahapon hilab ng hilab ang tyan ko kasama balakang every 15 mins ,then ang tagal ng sakit nya is 30 sec to 60, halos hindi ako makalakad kahapon while nahilab sya pero ngayon hindi sya ganun kahilab di kagaya kahapon.2 weeks na din ako umiinom ng prim rose, pineapple juice at tinunaw na tablea 😔 ano pa kaya mga pwedeng gawin? kayo po ano ano mga ginawa nyo para mag open ng mabilis ang cervix
nakaka stress 😥
Ako lang ba yung na stress na stress ng dahil sa mga taong nakapaligid sa akin ultimo kapitbahay, makita lang akong nakaupo pinapagalitan ako na kesho bakit daw ako laging nakaupo eh samantalang kakapahinga ko lang kaka squat tapos dapat daw lagi akong maglakad lakad eh diba bawal sa kabuwanan ang magpagod kase baka pag nanjan na lalabas na si baby is wala ka ng lakas para umire, tama naman na siguro yung 1 hr ako naglakad every morning at pa squat squat ako sa maghapon. Hindi naman kase ako ang mag dedesisyon kung kelan lalabas si baby, kung ako lang ba masunod baka pagkatungtong ko ng 37 weeks gusto ko sana nakalabas na sya eh kaso si baby parin ang masusunod diba. I'm currently 38w3d na po imbes tapos ang hilig magkumpara ng family ko bakit daw si kwan naka anak na ako daw hindi pa, buti pa daw si kwan nasakit na ang tyan bat daw ako hindi pa. Iba iba nman siguro ang buntis hayst imbes na mag relax ako eh lalo lang ako na hahigh blood. kayo din ba mga momie kamusta ang kabuwanan nyo.
Ultrasound result
Mga mhi ano pong ibig sabihin ng +/- 2 weeks sa result ng ultrasound? kase yung 2nd ultrasound ko nung july 20, 2022 23w2d si baby tapos nito lang October 7, 32w2d tapos may nakalagay na (+/-) 2 weeks pero dapat ay 34w2d na. kaya po expect ko ngayon ay 36w6d na si baby bukas full term na sana namin ano po kaya kase mejo may pressure na sa bandang baba ng puson ko at pag gumagalaw si baby mejo uncomfortable sa pwerta na bigla na lang ako maiihi.
35w4d normal lang na na mahilo pagkagising sa umaga
mejo na late ako ng gising today usually kase 5 to 5:30 am ako nagigising pero ngayon before 7 ako nagising nakatulog ako kagabi around 12:00 am na ganun ako lagi nakakatulog pero ngayon lang ako nahilo ng ganito as in pag bumabanhon ako nahihilo ako normal lang ba yun mga momsh?
AOG counting
nakakalito po, ang LMP ko po is Jan 25, ( EED nov 2) then na laman ko na preggy ako ay March 15, ang first ultrasound ko po ay nung May 11, 12 weeks and 1 day na si baby EDD ko po sa 1st ultrasound ko ay Nov 17 then 2nd ultrasound ko july 22, 23 weeks and 2 days then itong last ultrasound ko Oct 7, 32 weeks and 2 days pa lang pero kung susundan ko po yung 2nd ultrasound ko dapat 34 weeks and 2 days na si baby, and ang weight nya po is 2103 grams. Ganun ba talaga yun hindi ko na alam kelan ba talaga due date ko 😂. pls enlighten me naman po Hehe due dates: LMP - 11/02/22 1st ultrasound - 11/17/22 2nd ultrasound. - 11/16/22 latest ultrasound. - 11/30/22
relatives na kasama sa bahay problem
Maishare ko lang mga mi ang hirap at nakaka istress yung may kasama ka na relatives sa bahay kase nakikitira lang kame sa lola namin kasama namin nga pinsan namin na may mga anak na, ako nakabukod naman ako pero napauwi lang ako kase nagbuntis ako, yung isa ko kaseng pinsan hiwalay sya sa asawa nya may 2 silang anak 3yrs and mag 2yrs simula nung nag work sya ang dalas na nya maginom. yung tipong pag nakainom sya parang wala ng bukas lasing na lasing hanggang sa hindi na nya naaalagaan mga anak nya tapos pag day off sya ganun din kame padin nag aalaga parang feeling nya dalaga sya ganun, tapos itong pinsan namin na magkapatid makikita na lang namin suot na yung mga damit namin kahit na hindi naman nag paalam, tapos pag kame ang manghiram, kase need lang, sila tong ayaw mag pa hiram kesho bago daw hindi pa daw nya nagagamit pero sya tong gumagamit ng damit ko kahit hindi ko naman ninibigay sa kanya, napaka hirap makisama sa taong ganun lalo pat yung mga mas nakakatanda dito sa bahay namin eh hindi man lang mapag sabihan kahit na sumosobra na, tanong ko lang nga mi kung kayo ang nasa sitwasyon ko sa palagay nyo dapat ba ako na ang umimik sa kanila na bagu baguhin yung mga ugali nila kase namimihasa na ho. ngayong umaga kase mejo nagkakasagutan kame nila lola kase nga ganun mga ugali ng mga pinsan ko, ang akin naman sana sila lola ang nakakatanda sila sana ang magpangaral baka kase sabihan yung lola oh mama nya hindi sya pinag sasabihan ako pa kaya mag sasabi sa kanila, sinabihan ako ng lola ko na ako daw ang magsabi sa mga pinsan ko ng mga sinasabi ko kanina, mga mi pa advice naman ang ayaw ko lang kase na pag ako ang nagsabi sa kanila ay minamasama nila iniisip ko lang kase na kung matanda ang nagsabi eh hindi nila masamain
strech marks na parang may rashes
Good morning po normal lang ba na nagkakaron ng parang rashes yung mismong strech mark sobrang kati po at mejo mahapdi. din bigla na lang po nagka ganito since mag start ako sa 3rd trimester ko though paminsan minsan nakakamot ko sya especially pagnatutulog namamalayan ko kumakamot na pala ako pag kagising now I'm currently 34w1d na po. any tips po para ma lessen ang kati at hapdi