Walang kakayahang magkaanak

Maiba naman ng topic, ano kaya mararamdaman nyo kung nlaman nyong baog kayo? Yung sa haba ng panahon na nagttry kayo, tapos nalaman nyo in the end kahit anong try wala din pala mngyyri. Iniisip ko lang kung kaninong part mas masakit, sa lalake ba o sa babae? I know this is a very sensitive and serious issue lalo na sa mga mag-asawa. Mukang dun na kasi ako papunta. And i'm currently on a state of depression with no joke and looking for a psychological help in any way. I chose not to talk to my husband and hindi na din ako tumatabi sa knya sa pagtulog even sa pagkain.I chose to be alone. Kanya kanya kmi dito sa bahay di ko na sya pinapansin.I chose to be alone. I feel empty. Pagod na akong gumamit ng pt hindi ko na mabilang sa dami dahil nkkdepress lalo ang paulit ulit na result. Ang dami ko ng napkin na binili. Nagstock na talaga ako kasi di nako umaasa. Pagod na ata akong umasa. Yung pag-asa ko, nauubos na. Baka kung ibigay man, nandun nko sa point na wala na talaga. Na wala na yung saya. Wala ng excitement. I can't see myself kung san na ako papunta. Even our marriage. Kahit kelan, hindi naman ako hinanapan ng asawa ko ng anak, I know he loves me. But still there's a part of me na nraramdaman kong may kulang. Siguro dahil naunahan nko agad ng emosyon, i really don't know. Naiinggit sa iba??? Yes. Most definitely. Mga kapatid ko may mga anak na. Maysman sila sa anak. Ako pang panganay ang hindi magkaanak anak. Yung asawa ko may anak na din sa pagkabinata pero hindi nga lang lumaki sa knya kaya hindi nya daw alam kung kilala man lang sya. Hindi ko talaga alam bakit ko nrrnasan to ngyon. Malungkot ako sa loob ko. Na kahit kasama ko asawa ko sa sarili ko mismo may hinhanap ako. Lahat ng iyak, nailabas ko na ata. Lahat ng bakit, naitanong ko na din sa KANYA. Nkakapagod umaasa at mabigo. 😒😒😒😒

45 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganan din po ako nung una nappresure ako kase di pa kame nagkakaanak ng asawa ko sa sobrang stress kakaisip lalong walang nangyayari..sabi nga po pag stress ka pati matres mo na iistress so ginawa ko po di ko na sya pinilit niloloko pa nga ako na di na magkakaanak kase mataba daw ako..di ko sila inintide ininjoy ko lang po ang buhay ko buhay may asawa buhay misis sa awa ng dyos at di inaasahan nabuntis po ako..irelax nyo lang po ang isip nyo ang sarili nyo wag po kayong magpaka pressure at magpaka stress kase na iistress din po ang part ng katawan naten..enjoy nyo po buhay nyo kasama asawa nyo may plano ang dyos sa bawat isa saatin..kung kelan ang tamang panahon..sabi nyo nga mahal kayo ng asawa nyo bakit hinde saknya nyo ituon ang buhay nyo..godbless po i will pray for you.. philipians 4:19 "And my God will supply every need of yours according to his riches in glory in Christ Jesus."

Magbasa pa
4y ago

Totoo to . Ako din pressured mashado magkaanak. 2 years ttc nagresign pa sa work para makapahinga kaso walang nangyari. Nabuntis nga ko pero nakunan naman kaya mas lalo akong na stress ang ginawa ko pinagsawalang bahala ko nalang. Iniisip ko kung mabubuntis sobrang salamat kapag hindi pa okay lang.. Dahil nasstress ako sa bahay,bumalik ako sa work. Ngayon kung kelan nag eenjoy na ko sa trabaho nabuntis naman ako πŸ˜‚ Kaya Tiwala lang talaga kay God 😊

wag kang mawalan ng pag asa,yung 1st baby ko 7 years bago namin nabuo alaga aq ng ob ko tapos nakunan aq nung 3 mos pa lng sya sa tiyan ko.sobrang iyak ko nun kasi ang tagal namin hinintay e na magkababy.Pati asawa ko iyak na iyak.Lahat kasi ng pinsan ko na kasabayan ko o nauna pa aq nag asawa may baby na.Di ko maiwasan maiingit.Hanggang sa sinabi ko kay Lord na kau na po bahala,kung bibigyan nio po kame ng baby salamat po ng marami kung nde naman po ok lang po.after 7 years ulit nabuntis ulit aq,currently 17 weeks and 4 days na now.Diko na to inaasahan.Nasa isip at puso ko na dina kame magkakaanak.Pero iba si Lord,sabi nga nila In God's Perfect time.After 14 years of marriage,Thank you Lord.Magkakababy na kame.Basta lagi lang tayo magdasal sis.Kaya nio yan!Basta ienjoy mo lang na kau pa lang mag asawa ngaun.Travel kayo.Paramdam nio sa isat isa na walang kulang.Praying for you😊

Magbasa pa
VIP Member

momsh wag po kayo mawalan ng pag-asa dasal lng po at paniniwala s panginoon natin...share ko lng last Feb nagpnta kami Iloilo s Garin Farm may Divine Mercy doon n aakyatin mo pagdating dun magwish ka...alam nyo po ang asawa ko di un naniniwla s mga ganun...pero sbi ko s knya maniwala k lng kahit ngaun lng kasi wla nman mwwla kung paniwalaan natin...at sagrado katoliko naman sya...nag write kmi s panyo nilagay namin dun ung kaisa isang wish nmin n magkababy...ayun in a month nakabuo kami and due ko n next month.... god moves in a mysterious way πŸ™β€ ako may PCOS asawa ko nagpa opera s varicole... nagpaalaga kmi...pero nung nagdasal kmi dun at humiling tlga kmi di kmi binigo...bsta may pananampalataya ka at paniniwla s lumikha s atin momsh wag ka po mwwlan ng pag-asa 😍

Magbasa pa

Wag po kayong susuko. Magtiwala lang po kayo. Ganyan din po ako dati, nakakapraning, nakaka pressure tapos may mga maririnig pa sa paligid na kesyo bakit di pa mag anak???. Haist... Pero po ang ginawa namin relax lang. Unexpected nga po tong pagbubuntis ko kasi kung kelan di namin masyadong kinareer saka naman ako nabuntis. Pray at ingatan nyo po ang health nyo. Mag take po kayo ng vitamins na pwedeng makatulong at if ever naman po na talagang di kayo magkaka anak, wag din po kayong malungkot. Maging masaya po kayo dahil may asawa kayo na mabait at mahal na mahal kayo. May mga pamangkin din po kayo. Nasa atin po kung paano tayo magiging masaya. Wag po sana kayo mawalan ng pagasa at wag kayo patalo sa lungkot kasi mas makakasama po. Ingat po kayo lagi ❀️

Magbasa pa
VIP Member

Pray lng po. Then, bsta inom lng po ng folic, iwas s mga bisyo. Pahilot din po kyo wla nmn po masama if ittry nio po. Wag din po kyo mxdo mgpapastress kse it will affect your body, mind, and soul. And most importantly, dapat po mkipagusap kyo sa asawa nio. Kayo pong dalawa ang magdamayan s ganitong bagay kse kung gsto nio po tlgang dalawa, you guys will have bigger faith in God n mgkakababy po kyo. Kme po biniyayaan ni God ng baby after 5 years. Nagpcheck kme and both of us ay healthy. Nagphilot din po ako, nagstop uminom and ngintake ng folic. Unexpectedly, one day sinisikmura nlng ako. Akala ko its because of drinking coffee. Yun pla, preggy na ako. Bsta wg po kyo mwalan ng tiwalaπŸ™πŸ»

Magbasa pa

Kala ko din baog ako . pero yun pala my taman panahon lang pala mabubuntis ako. unexpected nga eh. Kasi we been try not to withdraw many times, pero ndi tlga ako nabubuntis. dko alam bakit ndi, kaya napapaisip ako baka baog ako kasi pangalawang bf ko na ndi tlga ako na buntis . 3yrs na kami ng ka live in ko, Then 2months never kami nag sex kasi nag LDR kami, then yun nga nag away kami ng bf ko nung bumalik na ako, ndi niya na withdraw kasi nga na excite sa sex, 2month din ndi nakapag sex tsaka nag away kami that time, kung kailan hihiwalayan ko na bf ko dun pa ako na buntis . πŸ˜… kaya wag tayo mawalan ng pagasa, God give us perfect time . pray lang πŸ˜ŠπŸ™ #6weekspregnantπŸ’•

Magbasa pa
VIP Member

Yung tita ko po kasal sa asawa nya 9 yrs. Di po sila nag kakaanak. Pero, masaya nman po sila nagsasama. Nag e enjoy sila pag aalaga ng mga pamangkin. Then, nagbuntis po ako na pamangkin nya. Kaya nauna pa. Sya magka apo. Although andun yung inggit nila. Pero still. Nagpatuloy po sila sa pagsasama. (wag po kayo mawalan ng pag asa mommy. At lalong wag nyo pong deadmahin si mister nyo. Magpatuloy po kayo at manalig. Naniniwala po ako na darating rin yung time para sa inyo) aftr 1yr. Di po alam ng tita ko na buntis na sya ng 3mos. Sobrang excited sila mag asawa. At., aftr 3yrs. Nabuntis po ulit. Ngayon po may dalawa na silang anak 😘😊

Magbasa pa

tingin ko kasi sayo masyado mo pinepressure sarili mo eh, kung dipa talaga ngayon ang time for you wala ka magagawa. nahpacheck up ka na ba sa specialist like ob perinat at immuno, kasi baka may condition ka na kelangan itreat.. iopen mo ang sarili mo sa mga possibilities di lang dun sa gusto mo mangyari. ikaw lang din makakatulong sa sarili mo, wago ipilit kung dipa talaga para sayo ang mga bagay bagay at despite of disappointment, dapat still positive ang outlook mo..

Magbasa pa
4y ago

yes, magastos talaga pero ganyan po talaga sis, pwede munang magbakasyon po kayo kahit isang buwan lang try to relax baka yun lang ang need niyo. ang dami naman po kasi diyan na di na umaasa magkakaroon pero nagkaroon gaya ng tito ko ngayon na 54 lang siya nagkaanak pero wala sakanilang may sakit or what, pinag rest lang sila ng ib after so many years of trying 41 si misis niya and 54 siya nagkaroon pa sila ng anak, only God knows. just take a vacation.

Don't give up, mommy. Ipagpatuloy nyo lang. For sure dadating din yan, magtiwala lang kayo kay Lord. Mas dapat tibayan nyo pa oananampalqtaya niyo Sakanya. Kung naniniwala kayo sa swerte, there is also a miracle. God loves brokenhearted, sila yung taong pagpapalain dahil kapag iniyak natin kay Lord yung mga pains natin...for sure happiness na ang kapalit non. Hindi lang din po kayo ang nasstress pati husband nyo baka hindi lang siya showy lalo na sa sitch mo po ngayon

Magbasa pa

Nagpacheck-up na po ba kayo sa OBGYNE?wag Po kayo mawalan ng pag-asa lalo na na kung nasa age pa naman kayo na capable pa magbuntis.. stay healthy and positive..and much better pag usapan nyo ni mister..why not adopt? mostly nang nagaadopt nabibiyayaan after.😊..kami noon ni mister pinag- uusapan nmin Yan..Pero ok lang nmn sa kanya kahit di kami mag-kaanak..pero thank GOD binigyan pa din kami ni GOD after 6 yrs of marriage.now 6 mos na baby girl namin.😊

Magbasa pa