Badtrip Sa Kapitbahay

Maglalabas lang po ako ng sama ng loob dito, kakainis kasi. Baby ko po nung bagong labas nya sakin kulay nya is pink na pink tska pulang pula ang pisngi, pero nung inuwi na namin sya sa bahay umitim na po sya. Until now 19 days old nya. Ngayon, yung mga kapitbahay parang nanglalait na ewan kasi maitim nga daw si baby bat daw ganon e kaming mag-asawa parehas naman maputi. Anyways kahit ano naman sabihin nila sa baby ko mahal na mahal ko sya at sobrang gandang ganda ako sa kanya ano pa man maging itsura nya. Ayoko lang talaga makakarinig ng di maganda about sa baby ko lalo kung hindi harapan. Kabadtrip lang talaga yung mga taong walang magawa sa buhay hays. Ps. Yung 1st and 2nd pic, sa lying in pa kami. Then yung 2nd, pang 3 days sa bahay na. And yung last kahapon lang po.

Badtrip Sa Kapitbahay
110 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hala ang epal ng mga kapit bahay.. cute nga ni baby eh 😊❤️

Ganyan daw talaga pagka ang baby maitim, pag lumaki maputi yan.

Momsh wag mo pansinin mga mapanlait na tao. Waste of time.

Pabayaan mo sila sis.wala lang sila magawa... Keep safe po

Gnun dn c baby q nun momsh pero nung 3 months n xa mputi n

Dont mind them mommy. Puputi din yan c baby mo😊

don't mind them momshie.. nkkastress lang mga ganyan..

VIP Member

Wag mo sila pakinggan. Ang ganda panaman ni baby 😍

Naiingit lang yan sila mommy kc po ang ganda ng baby nyo😊

5y ago

Thankyou momsh💕 oks lang sakin ano pa kulay nya, ganda nga morena lalo pag nagdalaga hehe. Ayoko lang talaga makkarinig ng di maganda bout sa kanya lalo patalikod.

VIP Member

Wag mo na lang po pansinin, ganyan din baby ko dati