Laging kinokompara

Maglalabas lang po ako ng saloobin kasi wala ako maopenan ayoko mag open sa asawa ko kasi baka magalit sya sa mga pinsan ko ansakit lang kasi sa part ko na laging kinokompara ung anak ko sa isa kung pamangkin.. kasi maitim tong anak ko at maputi un lagi sinasabi ang itim itim ng anak ko at tinatawag na kokey.. ung isa daw ang puti puti sobrang ganda daw .. 1month palang ung anak ko pero lagi na nalalait .. 😭😭harap harapan kasi na laging kinokompara ansakit lang magbabgo pa.naman kulay ng baby ko ksi 1 month palang naman sya.. pero anliit na bata puro panlalait na naririnig sa mga tita nya 😭

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Relate ako dito momsh. My LO is 1 1/2 months. Sakin namn palaging kinocompare in terms of weight and built. Small baby kasi sya. Everytime na nakakarinig ako na sinasabi na maliit sya, naiiyak ako dala na din ng postpartum anxiety I guess. So instead na makarinig ng Ganon palagi, I limit her exposure to those kind of people. If I need to cut ties with them I would for my peace of mind. Instead of minding them, I learn to enjoy every single moment with my Lo.

Magbasa pa

Naku mommy, been there harap-harapang sinasabihan anak ko ng maitim kaya I told them SABIHAN NIYO LANG NA MAITIM KUNG KAKULAY NG ULING YUNG ANAK KO, WAG KAYONG MANGLAIT KASI DI DIN NAMAN KAYO MAPUTI AT MAGANDA. Ayun until now wala na akong narinig 😂. You should be the one to protect your baby, you and your husband mommy.

Magbasa pa

Masakit talaga sa loob pag ang anak na ang pinag uusapan lalo na ganyan. ako man kahit yung ibang family ko may nasasabi sila sa anak ko, minsan nagda damdam ako sakanila. ang ginagawa ko nag mamano lang kami tapos papasok nakami sa kwarto. di kami sumasama sa mga event nila. kaysa sa patulan ko sila naku po

Magbasa pa

Sagutin mo minsan. Di kasi sila titigil hanggang di mo sinasagot. Para matauhan sila na mali ginagawa nila. Tas ilayo mo saknila ung anak mo, mahirap na kalakihan ng anak mo na puro gnyan naririnig nya. Makakaapekto yan sa development nya.

Try mo po sagutin kahit isang beses para di nila isipin na kinakaya kaya ka nila at si baby. Tayo magging protector niya.

naku supalpalan mo din. lintik na yan. anf bata pa ni baby para sabihan ng kung ano ano.

Ilayo mo nkng skanila mii