Hello mga mi share ko lng😭
hello mga mi ansakit lang sa feeling na bulingit ,liit tawag sa lo ko 1week old lang siya and comparing to a 1year old and 6months baby sa itsura at sa kulay kesyo daw ampangit ni lo gawa ng ang itim 😭 #FTM either ung 6years old tinuruan nila tawagin pangit tong anak ko gawa ng ampayat at ang itim daw ansakit lang pakinggan 😭😭


hindi ko Alam kung bakit may mga taong ganyan .. sila kamo ang pangit! ugali palang nila pangit na pati baby sasabihan nila ng ganyan.. wag ka maniwala mommy... super cute ng baby mo.. at newborn may mag iiba pa Sakanya baka next month lang bochog na si baby🥰 di lang po ikaw nakaranas ng ganyan .. ganon din ang bunso ko.. pinanganak ko siya 3.15 kg Pero anliit ng mukha parang kasing laki lang ng Kamay ko .. Pero kaya mabigat kasi 51cm siya.. na NICU for 1week Moreno siya tingnan nun pero Sabi ng Pedia niya magbabago pa Kulay nanilaw pa kasi dahil matagal sa NICU wala naman prob sa akin kung Anu Kulay ng baby ko Ang gusto ko lang maging healthy siya at magkalaman... after Ilan weeks bumigat na siya at nagkalaman pumuti din kasi kakulay ko.. ngayon no comment na yung mga nagsasabi din na saan nagmana sa Kulay anak ko.. Ewan ko bakit big deal sa iba ang Kulay ng baby e kung Anu ang magulang syempre sa genes yan.. kaysa ma stress tayo dapat lang na tutukan natin ang babies natin wag yung mga negative na mga tao wala ibang magandang sabihin kundi mamintas e baby yan
Magbasa paMasakit talaga sa feeling makarinig ng mga ganyang comments towards our babies mi, kaya talagang masasaktan ka.😭. Kahit nga di ako yung mommy, nakakagalit pag may baby na ginaganya n. Lalo na't bagong panganak tayo sobrang sensitive natin at may mga tao talaga na insensitive at walang pakialam sa mararamdaman ng iba, magtuturo pa ng mali sa bata. Siguro yung bata na nagsabi niyan nasa maling environment din at ganyang ugali ang natututunan niya sa mga kasama niyang matatanda. Cheer up mi, wag ientertain ang mga negative at toxic people, pagsabihan sila na tumahimik at yung bata pwede pagsabihan na mali ang ginagawa niya. Breastfeed mi yun ang makakahelp na magcomfort and heal sa inyong both ni baby.
Magbasa pabakit kaya may mga ganyang klase ng tao noh? kahit saan may mga ganyan talagang pag uugali.. siguro dahil sa ganon din sila namulat.. mga kulang sa aruga at atensyon.. di lang makatarungan na sa baby nila sasabihin yon.. kung di mo na po kaya, prangkahin mo na po at sabihin na hndi maganda na sangol palang binubully na.. nasasaktan ka din bilang isang ina.. kung sa kanila kaya gawin? sana ilagay nila sitwasyon nila sayo.. wag ka po paka stress kasi bagong panganak ka palang.. focus nlng po kay baby.. breastfeed po para mabilis tumaba si baby at puputi din po sya pag lumaki na.. wala akong nakikitang kapintasan kay baby.. napaka gwapo po 😍 stay healthy!
Magbasa panaku mamsh wag ka pa apekto skanila haha baby pa kasi yan kaya hindi pa lilitaw tunay na itsura nia , ung baby ko nga napagkamalan pango , maitim tpos puro rashes pa , nagdaan ang ilang buwan napahiya yung ibang nag salita eh di nila akalain nag glow up anak ko haha 😅 isang maputi , matangos , may magandang kilay na parang ginuhit tapos maamong mga mata.😊 taob lahat sila ngayon bukambibig na nila anak ko nag aagawan sila pag karga. kaya don't be sad mamsh maniwala ka saken magddaan ilang days glow up na yan c lo mo , as long as healthy wala kang magging prob.✋imposible pumanget c lo naten kung maganda naman ang mommy dba.😁
Magbasa pafor me walang pangit na baby. pero to be honest nung inuwi ko din baby ko may nagsabi na pangit and maitim. walang masama kung maitim ang baby ko since wala din naman sya pagkukunan ng puti sa aming mag asawa. nakaka hurt naman talaga makarinig ng ganun. lalo na as FTM, tapos db may post partum depression pa. ang iniisip ko na lang iisa naman syang nagsabi nun and maraming may love sa baby ko. mas maraming tao na may sense kausap. pero yung turuan ang ibang bata na sabihan si baby mo ng pangit, there's something wrong with them. bakit nila kelangan turuan ang ibang bata na man lait. nakakainit naman talaga ng dugo
Magbasa paOk lang naman na di malaki ang baby as long as pasok siya sa normal height and weight lalo na kung kayong mga parents e di naman ganun kalakihan ang genes. Naiinis nga ako sa MIL kong hilaw kase sana daw di maliit ang baby ko pag labas. Kala naman nila pag malaki mataba ang baby e healthy na. Mas gusto ko naman maliit baby ko kesa mga kabataan ngayon na mga obese. Saka di naman sila ang mag iire neto para gustuhin nila na mataba baby ko. Saka maano naman if di maputi ang baby o isang tao. Lalo na if lalake ganda nga if moreno e. Kainis talaga yang mga marites sa paligid na andaming comments sa mga baby.
Magbasa paDedma sa kanila mi. Cute kaya ni baby mo, ako nga sarili kong nanay nun baby pa sinasabihan nya na panget daw saka maitim baby ko, kinukumpara nya sa half-chinese kong pamangkin. Nun lumalaki pumuputi si LO ko, sinasabi nya naman, "ay pumuputi kana wala talaga akong apong patapon". nun una sarap supalpalin kaso dedma nalang. walang panget na baby. Panget na ugali nila meron. Importante mahal natin at naaapreciate natin mga anak natin. di kailangan ng validation ng iba. big no-no sa mga ganung tao .
Magbasa paalam mo miee ganyan din cnsbi nila sa baby ko noon mas malala pa dahil anak daw ng unggoy kc sobrang liit 1.7kg lng sya lumabas sakin, pero nd ko na pinansin mas nagfocus nalang ako sa baby ko sabi ko soon mababago din naman itsura pag once nagbalat n sya tpos lalaki din. hyaan mo na much better focus ka sa baby mo🙂 importnte healthy at masigla. eto na pla ung baby ko na sinabihang unggoy nung maliit sya. ngayon dmi na nagssbi ang pogi nya😍
Magbasa pa
halla mami ang cute ng baby mo ❤️ walang pangit na baby mami. basta healthy si baby at malayo sa sakit be thankful na mami . tsaka magmamatured pa mukha ng baby mo mami pagsapit ng 5or 6 months puputi rin sila agad mami 😍🫶🏻 wag mo na isipin mga sinasabi nila, alam mo sa sarili mo na hndi. panigan mo sarili mo mami . nasa postpartum ka pa nyan. pls be strong and healthy for the sake of your baby ❤️
Magbasa paBaby namen was born 2.39kg, ang liet nya dati but everyone surrounding me only gave positive vibes, para kay baby and sakin. Ngyn 2 mos. na sya minsan ako pa nagssabe na, baby ang cute cute mo naman dati mukha kang itik. Haha Wag mo sila intindihin! Your baby will have his/her time to develop pa all babies are born as cute angels! 🫶🏻 Mas pangit magsaning pangit si baby! Gigil pala nila ko eh! Charr
Magbasa pa
Parent of a little prince