Laging kinokompara

Maglalabas lang po ako ng saloobin kasi wala ako maopenan ayoko mag open sa asawa ko kasi baka magalit sya sa mga pinsan ko ansakit lang kasi sa part ko na laging kinokompara ung anak ko sa isa kung pamangkin.. kasi maitim tong anak ko at maputi un lagi sinasabi ang itim itim ng anak ko at tinatawag na kokey.. ung isa daw ang puti puti sobrang ganda daw .. 1month palang ung anak ko pero lagi na nalalait .. 😭😭harap harapan kasi na laging kinokompara ansakit lang magbabgo pa.naman kulay ng baby ko ksi 1 month palang naman sya.. pero anliit na bata puro panlalait na naririnig sa mga tita nya 😭

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Masakit talaga sa loob pag ang anak na ang pinag uusapan lalo na ganyan. ako man kahit yung ibang family ko may nasasabi sila sa anak ko, minsan nagda damdam ako sakanila. ang ginagawa ko nag mamano lang kami tapos papasok nakami sa kwarto. di kami sumasama sa mga event nila. kaysa sa patulan ko sila naku po

Magbasa pa