Maglalabas lang ng sama ng loob mga mommies. Ako lang kasi nagwowork samen c hubby wala syang work. Pra may katuwang ako sa gastusin dahil buntis ako naglakas loob akong humingi ng pera sa papa ko pampuhunan nya sa bigas. Kaso nalaman laman ko na nung nalaman ng byenan ko na may pera asawa ko nanghiram kagad sya ng pera. Naiinis lang ako kasi hnd man lang naisip ng asawa ko na meron dn kaming pangangailangan lalo hindi naman sapat yung sahod ko. At lalo pa akong naiinis kasi may trabaho naman byenan ko bakit kelangan pa nyang mangutang e yung sahod nila sakanilang mag asawa lang naman napupunta dahil wala naman silang pinag aaral at pinagkakagastusan pero kapag ibang tao nanghiram sakanila nakakapagprovide naman. Masama ba na pagsabihan kong magdamot naman minsan asawa ko sa pamilya nya? Kasi nakakasawa na inuuna pa nya pamilya nya kesa samen na pamilya nya. Palaging umaasa saken asawa ko sa gastusin, sa monthly check up, vitamins ako lahat gumagastos. Maski nga cravings at fruits na kinakain ko everyday ako na bumibili. Ni hindi ko sya inoobliga sa ganung bagay. Kaso pano kami makakaipon kung ganun ang ginagawa nya. Na kada nalalaman ng magulang nya na may pera sya hinihiraman sya tas hindi naman binabalik. Eh alam naman nilang walang trabaho anak nila. Tsaka kaya nga ako na gumawa ng paraan para may pagkakitaan sya para sana yung sinasahod ko ipon ko nalang sa panganganak at iba pang gastos paglabas ng baby kaso ganun naman nangyari. Anong gagawin ko? Naiiyak nalang ako kapag naiisip ko to.