Unang pag bubuntis
Hi mag tanong lang po ako kapag poba pinutok ng asawa ko sa loob tapos dipa ako nilalabasan eh may posibilidad kaya na mabuntis ako. Pang apat na buwan na namin to ngayon na mag try nung una hanggang pangatlong buwan kahit lagi kaming magkasabay labasan lagi man lang din naman akong nireregla. gumagamit na nga ako ng app na Flo wala padin ng yayare . pls ineed advice po na stress na po ako. p.s respect po.#PleaseAdvice #pleasehelp #pregnancy
Wag po kayo pastress ng hubby mo sis, iba kalaban ang stress at pressure.. kasi pag ganyan po lagi iniisip nyo mas lalong di nabubuo. Kami po ni husband 2 yrs nagcontrol since natakot kami magbaby ulit after mawala nung 1st baby namin at 32weeks. So nitong march lang nagtry na kami. Ganyan din ako noon magisip, at napressure ako kasi nagtatanong narin kasi parents ko, ginagawa naman namin, tinataon pa sa fertile windows ko using same app- flo, pero di successful, lagi pa rin akong dinadatnan, negative pt 😅 nagpacheck up pa nun at nagstart pero normal lahat, pinagprenatal vits na rin ako, until nung June naggive up na ko, sabi ko di na ko magiisip, di na ko magtetest, di na ko maghihintay ng regla ko kung darating, darating. Enjoy na lang, kung ibibigay ni Lord, ibibigay Nya yun ng walang kapressure pressure.. ang ginawa namin bakasyon, spa, massage at syempre more prayers. In-enjoy na lang talaga namin ang isa't isa. then by July di ako dinatnan at ang sama na ng pakiramdam ko in denial pa ko kasi sabi ko baka stress nga lang din kasi sa klase din work namin (nurs ekasi kami pareho).. and praise the Lord! preggy na ako ulit. Dasal lang din sis promise. in God's timing, mangyayari yan. Godbless you and your hubby 🙏🙏🙏
Magbasa paShare ko lang po , nabuntis na po ako before 2 years ako ang kso kinuha sya sa akin ni lord agad tapos nagtry ulit kami magkababy ng EX ko kaso ayaw na talaga . 3 months ako nung nabuntis nya ako tapos 2 years hindi nasundan at thanks god din ksi lumabas tunay nyang ugali at nakakatakot talaga. After nun naghiwalay kami nagkaboyfriend ako agad , nabuntis nya ako nung 3 months din kami 🥺 akala ko nabaog na ako nung una dahil nakunan nga ako stress din ksi inabot ko nun at nawalan din ako ng gana and now i’m 18 weeks pregnant po at kakaultrasound ko lang kahapon ❤️
Magbasa pathe more na iniisip mu na makabuo agad, lalo ka na sstress.. nangyare sa akin yan.. expected mu na buntis ka na for this month kc lhat pinasok,. Taz bigla ka magkakaroon.. kung kelan nmn nag stop ako sa folic acid at nakikiparty may ksmang inum at yosi, bgla nmang na buntis ng hnd inaasahan.. buti n lng maagap ako.. kaya 2 days delay nag pt agad.. ayun bagong buhay agad.. bglang bawi sa inum ng promama at folic acid.. after 2 weeks nagpacheck up na.. pero sabayan mu pa rn ng dasal,ipagkakaloob dn sau yan. in Jesus name🙏🙏. ako hiniling ko tlga sa ama.
Magbasa pamommy pag stress po talagang hindi po kayo makakabuo. lalo na po sa babae. ako po akala ko nung una baka may problem sa kin o sa knya. pero after 2 months po na nag resign ako sa work ,nagulat pa ko nagkaroon ako pero 1 day lng yon pala spotting na yon. nung mag pacheck up ako sa OB 1 month na pala akong preggy. pacheck up ka din po sa OB para maadvice ka. 2nd baby ko po mag 10 yrs. old na ng masundan, mga 1 yr mahigit po mula ng mag pacheck up ako sa OB saka pa ko ulit nabuntis. ibibigay po ni Lord ang blessing sa inyo, pray din po kayo lage
Magbasa paMag pahinga ka muna po and take lots of dairy products like milk. Tapos po tandaan mo ang first day ng regla mo then from first day ng period mo po mag bilang ka ng 15 days.. yung ika 15 is yung time na malaki ang chance na ma buntis ka po. 5 days before and 5 days after is yun yung time na makipag talik ka sa partner mo po then stop ka po agad. No more sex muna. Kumain ka ng healthy foods while waiting kung kaylan yung day ng regla mo. Repeat lang po if di tumalab. Kumain ka ng mga cheezy foods, uminum ng gatas at yogurt.
Magbasa paKami ng asawa ko 7yrs na kaming kasal. Matagal kami nagtry na magbaby, pareho kaming pagod sa work. Pero nung umuwi kami ng pinas, nakapagpahinga kami ng ilang months, nabuntis ako kasi nagpacheck up kami pareho sa ob, doon ko nalaman na may pcos ako tapos binigyan ako ng gamot. Bukod doon, gumagamit ako ng ovulation test kit. Talagang accurate yun, kasi 1 time lang ako nagpositive doon, go agad kami, then ayun na nakabuo agad kami. Ang pinakaimportante ay wag mastress.
Magbasa paRelax lang dapat momsh Wag mo eh pressure sarili mo. Im first time mom at the age of 30. Ginawa ko bedrest ako healthy living tapos kapag nag do kami ni hubby naglalagay ako unan sa pwet ko para medyo nakaangat sya para pag nalabasan sya deritso sa loob. Tsaka di agad ako tatayo mga 1hr. Hayaan ko lang nakaangat muna pwet ko. And finally nakabuo kami now im 10weeks preggy.
Magbasa pahindi po yan nakadepende kng labasan man or hindi ang babae. ang pagbubuntis ay nakadepende kng ilalabas ni lalaki sa loob amg semilya nya at sa health ng fertility nyo. kng hirap po kayong magbuntis kahit nilalabas na sa loob mo, better na magpaconsult n po kayong dalawa para malaman ang source ng problem.
Magbasa pa2years kame nagganyan ni mister pero ngayon lang nakabuo kase nagbukod kame as in kameng dalawa lang sa bahay nawala yung stress namen tapos lagi lang kame masaya kaya kame nakabuo saka eat healthy foods din and diet ka unti if medjo malaman ka mami.
I think pressured na kayo ni Hubs. Try nyo po mag make love na walang ibang iniisip kung kayong dalawa lang. Baka pagod din ang katawan and stress. Bago kayo mag make love make sure na di kayo stress, pressure and tired. Mag unwind muna po kayo