Light Green Discharge but no odor , itchy and burning feeling

Mag 5 mos na po akong preggy and first mom po ako. Since nung nalaman kong buntis ako ang dami kong observation na ginagawa sa katawan ko at isa to sa mga nanotice ko yung light green discharge ko so nag research ako sa google and tanong tanong at ang sabi nga daw hindi ito normal at posible na infection. So ang ginawa ko nag pacheck ako sa ob ko nun 3 mos na yung tyan ko nun nung napansin kong may light green discharge ako then sabi ni ob mag papsmear daw ako tapos pinainom nya nadin ako ng gamot for 7 days kasi ineexpect nya ngang baka Trichomoniasis to. Pero after 1 week dumating na result ng papsmear ko at wala naman daw nakitang infection tinanong din ako ni doc kung may amoy ba daw makati mahapdi pag ihi pero wala akong naramdaman na ganon so ang sabi nya baka lang daw sa pagbabago lang hormones kaya ganon so sabi nya normal lang daw siguro to. But until now nag ddoubt ako hindi ko maexplain sa sarili ko kung dapat naba kong mag paka panatag sa sinabi nya or hindi. Sino same case ko dito? Pashare naman ng thoughts nyo mga momshie ♥️ nag woworry po kasi talaga ko

Light Green Discharge but no odor , itchy and burning feeling
30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo po. 7 months na po ako preggy. Sa una po nag antibiotic din po ako. Tas i trust my ob po kaya uminum ako. Mga 1st tri pa po ako ginamot and until now meron pa din ako ganyan din po katulad sa inyo pero di naman po mabaho at makati. Palagi lang po ako ng fem wash tas more water. Pasulpot2 lang po yung ganyan ko. Di naman po everyday. Nattakot din po ako. Pero kaka urinalysis ko lang po fee naman po bacteria. Gingawa ko po talaga lahat, prayers, antibiotic na prescribe n doc, yogurt, more water, setyl fem wash and no sex but still meron pa din po. Hays.

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Ganon din po sakin 8months preggy na po ako ngayon and ramdam ko na nman xia .. 3months pa lng tyan ko non ramdam ko na xia.. Pero pa wla2 xia din nong 6months bumalik na nmn xia ng pa check na din po ako sabay din po kac xia my UTI ako tas nirisitaan ako antibiotic and nawala naman din po xia .. Tas ngayon po meron na naman po xia medyo my pagkakati nga po xia eh pero d naman xia maamoy.. Parang natural na white means lng.. Tas my kakilala akong kakapanganak lng naka ranas din dw xia ng ganyan pero dala lng dw yan ng pagbubuntis safe nmn dw sa baby sabi nya

Try nyo po kumain ng yogurt mommy baka sakali mawala po baka nga po dahil lang sa hormones na pabago bago search nyo po kung gaano kaganda sa katawan ang yogurt and maganda din po yun para sa mga pregnant ako po nung nakaraan linggo nangangati private part ko nag tingin po ako kung ano maganda gawin yan po nabasa ko yogurt awa ng diyos 1 week na pagkain ng yogurt 2x a day nawala ang pangangati at yung gamit ko po fem wash yung betadine feminine wash effective po sya 😊

Magbasa pa

Meron din ako po at habang palapit ng palapit kabwanan ko mas dumadami sya. Wala.naman syang amoy. Watery din sya na pagka.light green. As in wala talagang amoy. Nainom din ako every morning ng buko. At okay naman lahat ng laboratory ko wala naman nakitang problem. Natural lang po yang discharges sa buntis may nabasa din akong article about sa discharges. Basta di lang masakit umihi di makati at uncomfortable sa feeling walang dapat ikabahala po.

Magbasa pa

4months po ako now and meron pdin po akong ganyan, since hindi makati yung private part ko and hindi nmn gnon ka stinky ung amoy, wala naman snabi ung OB na possible me yeast infection hindi rin nya ako inadvice mag pa papsmear.Pero nung 3months ko nag antibiotic ako dhil nagka uti po ako. More on water lng sguro.

Magbasa pa

same situation sakin sis nag undergo na ko lahat ng test for uti . papsmear also . sa uti halos 3 beses ako nag karoon plus suppository pa ako and pinaka worse na dextross ako . after a week gamot nawala then bumalik din . mas madami sakin dischrge sis ganyan color pero sobrng tubig. malakas naman ako sa water .

Magbasa pa

ganyan din ako I'm 18 weeks pregnant nang kaganyan din ako makati siya lalo na pag mag try ka mag Panty liner, pero nung nag palit ng palit lang ako ng panty everytime madami discharge ko. okay na siya ngayon nililinisan lang nyan ang uterus mo. yeast infection yan minsan kahit di buntis nag kakaganyan.

Magbasa pa
VIP Member

Im 24 weeks now, may ganyan din lumalabas sa akin. Sabi ni OB Ok lang yun . Dirt n discharges lang daw. As long as its not itchy ok. Make sure increase molang ang water intake mo up to 3 liters per day kc prone tayong mga buntis sa UTI.

Nagkaganyan din po ako na light green discharge pero walang amoy at hindi makati, niresetahan lang ako ng OB ng vaginal suppository for 5 days. Nawala sya agad 2nd day palang.

Mostlikely its a yeast infection momsh. You should ask your ob meron yan gamot para mawala. Sobrang kati nyan nagkaganyan ako before. At para din mawala ung discomfort mo.

may ganyan discharge din ako sis, kaso wala naman syang foul odor, yung amoy nya parang whitemens lang din tapos hindi naman makati pempem ko eh

5y ago

wala ako ginawa sis, kase pasulpot sulpot lang naman sya tsaka hindi sya araw araw nalabas sakin, as long as wala namang ibang amoy or kati ng pempem mo ikaw no need to worry, pero pag may ganung amoy better to consult to your OBgyne