Light Green Discharge but no odor , itchy and burning feeling

Mag 5 mos na po akong preggy and first mom po ako. Since nung nalaman kong buntis ako ang dami kong observation na ginagawa sa katawan ko at isa to sa mga nanotice ko yung light green discharge ko so nag research ako sa google and tanong tanong at ang sabi nga daw hindi ito normal at posible na infection. So ang ginawa ko nag pacheck ako sa ob ko nun 3 mos na yung tyan ko nun nung napansin kong may light green discharge ako then sabi ni ob mag papsmear daw ako tapos pinainom nya nadin ako ng gamot for 7 days kasi ineexpect nya ngang baka Trichomoniasis to. Pero after 1 week dumating na result ng papsmear ko at wala naman daw nakitang infection tinanong din ako ni doc kung may amoy ba daw makati mahapdi pag ihi pero wala akong naramdaman na ganon so ang sabi nya baka lang daw sa pagbabago lang hormones kaya ganon so sabi nya normal lang daw siguro to. But until now nag ddoubt ako hindi ko maexplain sa sarili ko kung dapat naba kong mag paka panatag sa sinabi nya or hindi. Sino same case ko dito? Pashare naman ng thoughts nyo mga momshie ♥️ nag woworry po kasi talaga ko

Light Green Discharge but no odor , itchy and burning feeling
30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo po. 7 months na po ako preggy. Sa una po nag antibiotic din po ako. Tas i trust my ob po kaya uminum ako. Mga 1st tri pa po ako ginamot and until now meron pa din ako ganyan din po katulad sa inyo pero di naman po mabaho at makati. Palagi lang po ako ng fem wash tas more water. Pasulpot2 lang po yung ganyan ko. Di naman po everyday. Nattakot din po ako. Pero kaka urinalysis ko lang po fee naman po bacteria. Gingawa ko po talaga lahat, prayers, antibiotic na prescribe n doc, yogurt, more water, setyl fem wash and no sex but still meron pa din po. Hays.

Magbasa pa
Post reply image
6y ago

Ganon din po sakin 8months preggy na po ako ngayon and ramdam ko na nman xia .. 3months pa lng tyan ko non ramdam ko na xia.. Pero pa wla2 xia din nong 6months bumalik na nmn xia ng pa check na din po ako sabay din po kac xia my UTI ako tas nirisitaan ako antibiotic and nawala naman din po xia .. Tas ngayon po meron na naman po xia medyo my pagkakati nga po xia eh pero d naman xia maamoy.. Parang natural na white means lng.. Tas my kakilala akong kakapanganak lng naka ranas din dw xia ng ganyan pero dala lng dw yan ng pagbubuntis safe nmn dw sa baby sabi nya