16 weeks preggy spotting

Hi preggy mommies. Share ko lang na experience ko this week. Morning then umihi lang ako, pagtayo ko nakita ko yung bowl may dugo. Tapos nag change undies ako 2x, meron padin. Pero light spotting lang sya. After nun, bigla sumakit puson ko. So minessage ko OB ko then pinapunta nya ako agad sa clinic nya to check the heartbeat of the baby. Thank god at nandun padin ang heartbeat. In-speculum nya ko then she saw na meron akong white discharge sa loob (na di ko naman napapansin if nagkakaron ako sa undies ko and wala din naman ako napapansin na may amoy) pero sabi ng OB ko, madami daw sya nakita and may amoy na daw. Which is infection na nga daw yun. Then next is IE nya ako and thankfully hindi naman faw sa matres ang bleeding ko and close naman daw ang cervix ko. So pina urinalysis test nya ako to check if sa ihi nga ang infection, but it turns out na normal naman urine test ko. So nagtataka sya saan daw kaya nanggaling yung bleeding ko. 😢 Niresetahan nya ako ng pampakapit and vaginal suppositories for a week. Stop din muna ako mag take ng ascorbic acid. Anyone here na naka experience din po ng ganito? I am really worried po. Nakaka praning, lagi ko na chinicheck ngayon if may discharge bo ako or may napapansin ba ako any foul smell sa undies ko. Pero wala naman talaga 😢 buti nalang at so far, diko na ulit na experince yung magka spotting. Sana maging okay na.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Follow mo lang lahat ng advise ng OB mo mi. Alam mo ako,simula 1st tri. dinudugo ako, at kahit OB ko Hindi alam reason. Hanggang ngayon na nasa 2nd tri na. Kausapin mo lang lagi si Baby. currently on my 21st week. Hoping na maging okay na.

12mo ago

same here, 19weeks preggy, FTM and normal lahat ng results ng Lab test Pero nag spotting ako, and pansin ko kapag nasusuka ako at natatawa ng biglaan na may pressure sa tiyan dun ako dinudugo.