Worried dahil sa pinya...

Long post ahead. mga Sis, I just want to share.. 2nd pregnancy ko na po at ika 6th month ko na ng pagbubuntis. LDR po kami ng asawa at panganay naming anak(7y/o) Naabutan po sila ng lockdown, nasa probinsya po sila. Pinagtapos ko po muna kasi ng pag aaral ang asawa ko hoping for bright future ng sarili naming pamilya.Nung December, nagbakasyon sila dito sa maynila just to spent the christmas with me.Dun ko na rin hiningi sa asawa ko yung 2nd baby namin? Sa una ko pong pagbubuntis, kasama ko po ang asawa ko.. everytime na uuwi siya ng trabaho dati, kadalasan, apple, orange at banana ang pasalubong niya galing sa trabaho.Wala akong naaalala na nakatry kumain ng pinya during may 1st pregnancy. Ngayon po, mag isa lang po ako sa tinutuluyan ko. kwarto kwarto po kasi ang bahay namin dahil nagpapaupa kami.. Si tatay lang po ang kasama ko sa oras ng pagkain pag day off ko, may sarili rin siyang kwarto ng inuoccupy sa bahay. araw araw akong hinahatidan ni tatay ng pagkain sa trabaho. Sa isang cake and bread store po ako nagtatrabaho. araw araw din na iba iba ang prutas na kasama ng pagkain ko? Nung makalawa, nagkataon na pinya ang prutas na dala ni tatay, naka slice na ng maliliit ang pinya. sa buong duty ko, sige lang ako dampot at subo ng isang pinya hanggang pag out ko. mula umaga ng duty ko, napansin kong naninigas ang tyan ko. Hindi nmn ako nag isip ng masama, thinking na normal lng ang paninigas kasi 6 months nko. tapos nung 30 mins nlng mag a-out nko, hindi parin nawawala ang paninigas, deredretso lang at nangangalay na ang bewang ko. thinking na baka pagod lng ako sa trabaho kaya ganun, hindi pa rin ako nag isip ng masama. tapos nag open ako ng TAP, thats the time na nakabasa ako ng mga humihingi ng advice ang mga buntis ng due date na pero di parin naglelabor. karamihan ng nabasa kong advice ay uminom ng pineapple juice o kumain ng pinya. mas effective kung fresh. Kinabahan nko. Dali dali akong nag Google. Grabeng Worry ang naramdaman ko ng mabasa ko na ang pinya ay may enzyme na nakaka cause magkaroon ng contraction na na maaring matuloy sa early labor o miscarriage lalo na sa mga 1st trimester plang. Pasok ako ng CR, nangingilid na luha ko, worry na worry sa baby ko. Gusto kong magalit sa sarili ko, dahil sa kamangmangan, mapapahamak ko ang baby ko. Limang taon ko hiningi sa asawa ko ang 2nd baby nmin at unang lalaking apo both sides. Kinalma ko sarili ko, para makapag isip ng matino at hindi ako mastress masyado dahil uuwi pa ako ng bahay. Pag uwi sa bahay, nagsabi ako kay tatay na stop muna ako sa pinya at nag kwento ng nangyari.. pareho kaming walang alam ni tatay. (4years na pong wala si nanay) That night, Hindi pa rin nawawala ang paninigas ng tyan ko. Then nang nasa kwarto nako nung gabing yun, Nagchat ako sa asawa ko ng nangyari. Nagkanda iyak pa ko dahil sa subrang pagwoworry. Mag isa lang ako at hindi ko sila kasama ng panganay namin. What if may mangyaring hindi maganda.. Parang gusto ko ng paliparin yung asawa at anak ko papunta dito sa Maynila. Masmabuting kasama ko sila, mababawasan ang pag aalala ko. Nag advice yung asawa ko na kumalma ako. Sabi niya, as soon as macomply na niya ang requirements nila for graduation at mgkaroon na ng byahe ay uuwi na sila agad. Grabe ang dasal ko na sanay kumapit ng mahigpit ang baby ko. At sa awa ng Diyos, after 2 days, napansin kong bumalik sa normal yung tyan ko.. May time na tumitigas siya pero hindi na parehas nung makalawa na derederetso lang at walang tigil. Nakikinig talga ang Diyos sa panalangin. Nagpakabait nako at halos araw araw nag reresearch ako ng mga mabuti at bawal na pagkain sa buntis. Parang natruma talaga ako sa pinya.. Kapag may gusto ako kainin, ginoGoogle ko muna. Lesson learned, ang kamangmangan pwede makapahamak ng buhay..

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Actually iba iba naman din po tlga ang responce sa bawat buntis.. kc po aq sa panganay ko pinaglihian q is pinya..hindi q alam na pampa contract sya everyday may deliver sakin fresh pinya at everyday isang buo ang kinakain ko buong pregnancy days q as in cguro mga 8 months aq nakain araw araw ng pinya.. waley naman healthy naman anak q 7 years old na din napaka laki nga nya nung nilabas ko 4.5 kilos po at normal delivery.. tapos ngaun im on my 38 weeks na sa 2nd baby ko.. nagun ko lng nalaman ung used ng pinya sa preggy.. kumakain aq ngaun ng pinya at umiinom ng delmonte at cge squat,lakad,kendeng wala epekto.. deadma c baby ayaw pa lumabas.. so dont panic sis as long as wala kang discharge ok c baby..

Magbasa pa

Ay mommy this fast few days ganyan dn po naramdaman q 28 weeks and 2 days na po aq pregnant mahilig tlga aq sa prutas during my pregnancy ung hubby, dinalhan nya dn aq ng fress na pineapple at minsan ung pine apple juice dinadala nya pasalubong sa akin pag dating galing work,tapos cguro mga 2 hours after q makakain noong pineapple na dala nya naninigas dn tiyan q Ang sakit sobra na akala q mapapa anak aq ma aga,halus 3 days aq naninigas ung tiyan q na kasama balakang q umiiyak aq sa sakit dku pinapahalata sa hubby q,now alm q na Kaya Sabi q sa hubby q wag na nya aq bilhan ng pineapple 😞😞 Kaya pala sumakit dn ng tudo tiyan q kc tangi pineapple lng Ang prutas na kinain q na sumakit tiyan q,

Magbasa pa
VIP Member

hi mumsh, kumain rin po ako ng pinya nung buntis ako almost everyday kasi parang star talaga sya sa paningin ko nun kahit na makati na sa dila.. pero fullterm ko pa rin maipanganak si baby ko, need lang talaga magrest ng buntis lalo na ngayon malapit ka na sa 3rd tri,mas madalas ang paninigas nyan dahil my tinatawag na braxton hicks contraction, ireready nya po katawan mo para sa true contraction,don't worry na po, mas hindi po maganda ang nasstress sa buntis, sana makatapos na si hubby mo para makasama mo na sya.

Magbasa pa

Nku momshie ganyan din po ako ftm me at the age of 40 so dapat ingat ingat me sa mga kinakain ko.. Minsan tlg pag may gusto akong kainin sinesearch ko muna baka kako bawal or may ingr na kakaiba, sabihin na oa ako pero para nmn kay baby un.. Pag craving ako sa isang food n alam kong bawal, kuha lang ako ng kapiranggot.. Ok n ko dun.. Pinya po tlg is d ko kinain, ung nasa pizza nga po n toppings tinatanggal ko pa, pati papaya hinog or hilaw.. Pero sabi nmn ng iba is ok nmn daw un..

Magbasa pa

ako po nyng hindi ko alm na masama pla sa first thri ang pinya .o pineapple juice .halos araw araw yan binibili ng asawa ko skin preho kmi walang alm.pero madalas din nanakit tiyan ko.hnd ko alm kng dahil ba don o dahil may uti ako.pero awa ng Diyos ok nmn pag bubuntis ko ngayon safe naman si baby tinigil ko nadin pinya simula nalaman ko dto na masama ang pinya.etong apps nto madami akong natutunan 😊

Magbasa pa

Hindi nag cacause ng labor ang pinya. Kung sakali man kailangan mo munang kumain ng limang buo bago mangyari yon. During my first trimester yan ang kinain ko na halos nakakaubos ako ng isa sa isang kainan lang. Nakaraos naman ako. Nagkataon lang yong nangyari sayo at hindi dahil sa pinya yon. Kainin nyo lahat ang gusto mo kainin but in moderatuon of course. Good luck!

Magbasa pa

Salamat sa Diyos at ok na Ang baby mo. Dapat talaga masipag magsearch. Lalo na sa kakainin. Ganyan gingawa namin ng asawa ko. Search kami lagi sa kung ano mga bawal at hindi. 31st week ko na, at hanggang ngayon hnd p din ako kumakin ng pinya, hilaw na papaya at ubas. Un daw ksi Ang tatlong prutas na dapt iwasan during pregnancy. Keep safe sa inyo ng baby mo mommy.

Magbasa pa
VIP Member

Really? FTM ako. Di ko alam yan. everymorning, since 2nd month of pregnancy ko lagi akong nagp-pineapple juice with lots of ice.. Now I'm almost 7months na. Wala pa naman nangyayare samin ng baby ko.. Di kaya dipende yan sa tao? At sa kung anong myths ang pinaniniwalaan niyo? Minsan kasi.. mind over matter lang yan. ✌just saying.

Magbasa pa

Depende siguro kasi ako kumakain regularly ng pinya at umiinom din ng pineapple juice from time to time during my pregnancy. I'm 8 months on the way now, so far ok naman po ako, haven't experienced paninigas ng tiyan. Also, pineapple is rich in vitamins A and C kaya good for you and your baby din. 🙂

Magbasa pa
VIP Member

Hindi siguro kasi po ako sa bunso ko mula first trimester isa or dalawang buo ng pinya kinakain ko gabi gabi as in walang kanin basta pinya lang wala ng iba okay naman baby ko malusog. Hindi talaga ako nakakatulog hanggat walang kain ng pinya parang nakukulangan ako pag di ko sya natikman