mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Focus ka kay baby. Kapag may negatibong ibinabato sa kanya, i-hug mo siya ng mahigpit, kiss mo siya. Hindi pa naman niya alam ang salitang "pangit" o mapanlait na mga salita, hindi niya iyon naiintindihan. Ikaw ang nasasaktan para sa kanya, which is natural bilang ina. Kunin mo na lang itong opportunity o idivert mo ang negative vibes para mas maiparamdam kay baby ang love mo. Kausapin mo lang si baby 👍 Hayaan mo na ang biyenan mo, bahala na si Lord sa kanya.

Magbasa pa