PANGIT DAW PO AKO đ
Mga momma.. share ko lang po. Kakatapos lang po namin mag vcall ng bf ko. Palagi po Kasi nya ako sinasabihan ng bf/tatay ng dinadala ko na pangit daw po ako. Kasi naman parang namaga po lahat ng katawan ko at pati mukha ko lalo na ilong đŤđ¤Ł tsaka di rin naman kasi ako kakinisan kasi nagka breakouts po ako dati. Wala lang. Nasasaktan lang po ako kapag sinasabi nya yun. Tumatawa nalang ako at sinasakyan yung sinasabi nya pero ito ako ngayon umiiyak ng palihim ng dahil sa ganun pangit daw po ako. Hindi ko alam kung joke lang ba yun kasi feeling ko hindi eh. Hindi pa kami nagsasama ngayon pagkatapos ko manganak doon na kami uuwi ni baby sa kanya. 37 weeks and 3 days na po ako ngayon Edd ko March 21 na.. At ngayon bihira nalang kami mag vcall. Dati inaabot nga 3 hrs. Ngayon di nya na maalala tumawag man lang parang di nya ako namimiss. Nasa Rizal lang sya ngayon. Wala lang po ako ibang masabihan. Salamat đđ
Preggy