mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang cute cute naman Ng baby mo mamsh eh.. depende po cguro, minsan Kasi nang gigigil Lang talaga Ang Tao sa mga babies, baka naman pabiro lang po pagkakasabi or pa lambing, may cuteness aggression Kasi tayong tinatawag ung parang gigil na gigil ka sa mga Bata.. ganyan din Kasi ako sa mga pamangkin ko minsan tatawagin ko na pangit kakagat kagatin ko pa pero Alam Naman nila na lambing ko lang un at never naman naging issue samin Ng kapatid ko un.. pero Kung seryoso pagkakasabi nya, at nanglalait lang talaga, talk to your husband about it. Para sya kumausap sa MIL mo..

Magbasa pa