153 Replies
gusto ko mabago yung pagiging mabarkada nya, may masasamang bisyo kasi mga barkada nya e, nakakalungkot lang na akala ko pag nagkababy kami magbabago sya hindi parin pala ☹️ yung tipong ipapang kain na lang sana namin ibibisyo nya pa, wala naman sya trabaho
Yung masyadong malihim. Kung hindi mo pa siya tanungin, di pa siya kusang magkwento.. tas paawa effect lagi. Yung siya may kasalanan, pero ang ending siya ang iiyak at sasabihing "lagi namang kasalanan ko.. puro na lang mali nagagawa ko."
Pagiging tamad nya. As in sobrang tamad ultimo brief hindi nilalabhan. Kapag may nahulog or kinuha syang mga gamit hindi na niya babalikan. Parang may katulong na taga sunod sa lahat ng kilos niya. Sarap hiwalayan hahahahaha kakabwesit.
My husband is perfect for me. Sinusunod kasi nya lahat ng sasabihin ko. Reasonable naman. Hindi naman ako yung wife na 'total in control' sa kanya. Masaya lang ako kasi naiintidihan nya ako at ganon din naman ako sa kanya. 😌
Yung hindi siya showy sa feelings niya, alam kk iba-iba naman ang tao kung pano mag-express ng love. Nakikita ko na love niya ko sobra at ang family niya thru actions. Pero sana man lang, ihug niya ko, lambingin ganun.
Oo yun paninigarilyo nia..sbi nia noon pg ngbuntis na ko tgil na..pero mg 7mos na tyan ko smoker pa din..sb na nmn pglabas nlang dw ni baby..puro nlng dhilan at pngako..kya nmn nia tgilan ng wlang kpalit.
Maging conscious sa health, figure at sarili. Madalas kasi wala syang pakialam sa itsura nya. Hehe. Not big deal. Pero syempre gusto ko din na ayusin nya sarili nya. But overall, best hubby pa din🥰
Wala na naman ako hinihiling pa na mabago sa asawa ko. Marunong naman makinig sa akin. Madami na naman nagbago simula nung nakilala ko sya unlike nung barkada pa lang kami. Mahal na mahal ko to.
Masipag naman naman sya sa work..kasi nasa abroad sya..di na kami pinapabayaan...ang gusto ko lang mangyare at sana baguhin nya..yung pagiinum nya ng alak at paninigarilyo..ayun lang...🙄
Wala, he's too perfect for me. Iwan ko ba since naging kami never kami nag-away ng malala ako lang tong parang ewan. Napakamature na, responsible at maalaga. Yung ako muna bago siya. 😍