Anonymous Confessions: Sana magbago na siya...

May katangian o ugali ba si hubby na gusto mo sanang baguhin niya? ?

Anonymous Confessions: Sana magbago na siya...
153 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

He always say Yes to everything to the point na inaabuso siya ng family niya financially. Feeling niya kasi susumbatan sya patalikod ng sarili nyang pamilya (nagawa na sa kanya before) na kaya sya naging ganun ngayon because of them. Iniluwal lang naman siya ng nanay niya pero iniwan at nagpakasaya sa kabit niya. Now na maganda na work ni hubby, biglang bumalik si MIL nanghihingi ng allotment kasi daw hirap daw siya pati kabit niya isama mo na 5 niyang anak sa kabit niya. Kaya hindi talaga kami close ni MIL kasi abusado, tapos pinagbigyan mo na nga, ikaw pa pala madamot. Tapos maririnig namin sa ibang tao chinismis kami, na kesyo daw may maluwag na turnilyo ang utak ni mister (kasi hinahanapan sya sa savings niya, 10k ba naman allotment tapos pag uwi ni hubby galing abroad, iiyak yan tatawag sa amin nanghihingi ng pera kasi daw wala silang makain) tapos makikita namin post sa fb, nag iinuman lang ang mga walanghiya, not once pero halos araw-araw at gastos pa ni MIL yun ah (palainom kasi talaga sila ng kabit niya) . Sino ba naman matutuwa.

Magbasa pa

Sana magkaroon sya ng time saken😅 kase after work cp agad kasama niya hanggang pagtulog namin. Sinasbayan ko nlang sya ano gusto nya panuodin eh para kahit paano dba? Kase minsan kahit alam nyang may iniinda ako hindi nya ako papansinin kung di ko iindahin. Sana kung gaano nya kagusto makasama barkada nya sana ganun saken na sana yung isang araw na pahinga eh kasama ko sya nagpapahinga. Hindi yung nasa barkada siya. Sana isipin din nya ako paminsan minsan😅 Isipin nya kung kailan ba ako naging ganito ganyan kaylan bako ngumiti? Oras lang naman saka atensyon kailangan ko di sapat yung mahal lang kase kng puro yun lang balewala lang lahat yun. Gusto ko baguhin sa kanya yun GUSTO KONG MAHALIN NIYA AKO THE WAY PAANO KO SIYA MAHALIN.ALAGAAN NIYA AKO THE WAY PAANO KO SYA ALAGAAN. INGATAN NYA AKO THE WAY PANO KO SYA INGATAN AT HIGIT SA LAHAT PASAYAHIN NYA SANA AKO KATULAD NG KUNG PAANO KO GINAGAWA YUNG BEST KO MAKUHA LANG YUNG NGITI AT HALAKHAK NYA KATULAD NG NARIRINIG KO KAPAG KASAMA NIYA BARKADA NIYA.

Magbasa pa
5y ago

Same tayo sis, ganyan din gusto ko sa asawa ko, tsaka hindi ko din naman sya pinag babawalan maginom pero sana alam nya yung limitasyon nya at control nya ang pag inom nya tsaka yung asawa ko ML player nakakainis madalas pero iniintindi ko na lang kesa humantong sa away ang hirap mag paintindi sa taong ayaw naman intindihin lahat ng sinasabi ko ang hirap unawaim ng asawa ko kasi lagi syang may rason laging mag dadahilan laging may sagot

True. Men can be insensitive at times. At totoo naman na nakakainis. I got married 4 years ago at grabeng adjustments. I even ask my parents and even they are still adjusting in their 40 years of marriage. But one thing is for sure, they love each other dearly. And apparently, when you love, you love unconditionally---and that includes your partner's flaws and shortcomings...I am not talking about abuse. That's a different case. Clichè as it may sound, but really, communication is the key and prayers. That is, kung gusto mo talaga mag work ang relationship. Everytime maiisip ko negligence at shortcomings ni hubby, I ask myself, am I being a good partner? Kung wala ka makita, then ask your partner, tell him...timing is everything. Usap lang momsh. Kahit mahirap, feeling ko nakakababa ng pride, pero you have to be transparent and open, you have to tell your partner na he's hurting and it doesn't make you feel good. Tell it to his face. Haha...God bless satin lahat

Magbasa pa

Matalino siya academic. Pero slow siya pag sa problema. And dika niya mapag tanggol ganon kahit na kasalanan nila at marami sila sinabe masasakit sayo(kapatid niya). Yun yung gusto ko baguhin niya. Kase sa ayaw at sa gusto nila ako makakasama ng kapatid nila kase kasal kami. Bigla ba naman sabihin saken pati social media ng hubby ko pinapakialaman ko daw wala daw siya privacy. Ang sad lang. Kase ako na yung inaway dikopa madefend sarili ko.kase iniintindi ko mas matanda sila kaya siya lang yung inaasahan ko na mag tatanggol saken. Sabe nila kung wala ka naman ginawa dika pag sasabihan ng masakit. Sa point ko wala naman ako ginawa bakit ako ginanon and ang sinasabe ng nanay ng hubby ko di daw makaintindi yon and selos kase kasal kami siya may anak at hindi kasal. Gusto ko lang iopen kase sa tuwing nakikita ko yung chat naaalala ko pinag sasabi saken. (And nagalit mga tita ko kase kung di ako nag asawa wala mag sasabi ng ganon saken)

Magbasa pa

Ayaw ko yun insensitive nya lalo na yun paglakarin nya ako magisa from our brgy papunta sa tollgate na ang layo nun bibili kmi supplies ni baby tpos xa dadaan sa knila kc nccr lng tpos ang plano pla xa mgpapahatid ng kotse nila tpos kita nlng kmi dun ako nglakad xa naksakay. Not just once but five times. Kada away nmin uuwi sa knila then 7 days plgi dun after nun uuwi sa amin 4 days lng hahanap ulit dhilan lalayas n nmn. Wlang awa sa asawa buti p kptid nya naisip d p kumain ako n cs n asawa nglkad pumila sa grocery dedma lng. Ang ending sumbong p sa nanay nya na nsasakal xa sa amin, pinaglalaba xa haha dmit nmn nmin n dlwa lng. Kya isinoli ko ang hrap mgrecover from postpartum, alaga p ng 5 months bb then wala kng ashan sa asawa mo kundi stress

Magbasa pa

Sana magbago na sya.. sana mas unahin nya kami ni baby higit kanino man, iwasan ndin nya ung minsan pang iinsulto nya saken ung pang aasar nya se saken nakakasakit ng damdamin pero para sknya joke un so sana magmature na kanyang kaisipan.. sa naun nakakatulong na sya saken sa pag aalaga at pag aasikaso ke baby se sumabog na ko nakaraan e cnbi ko sknya lahat ng sama ng loob ko.. se andito nga sya pero d nakakatulong mag alaga ultimo magtimpla gatas ng baby namin, tapos mas concern pa sa iba kesa skn ayun.. boom cnbi ko lahat ayun nakikita ko naman na nagbabago sya tumutulong ke baby, isang tawag ko lang andyan na.. nagkukusa na..

Magbasa pa

Si hubby laging hawak yung cellphone :( mas madami oras sa phone kesa kausapin ako, at sa time ng mga anak namin. Kaya din siguro malayo loob ng mga anak ko sakanya. Sana hindi na siya mambabae. Nakakapagod nadin kasi magpatawad ng magpatawad ng paulit ulit. Higit sa lahat, gusto kong maging example siya sa mga anak namin,. spiritually I guide nya kami. Every Sunday mag church or discipleship kami, every kainan mag pray :( saka lang ata siya naging ganun nung bago ikasal, after nun Wala na. I always lift my heads up high kay Lord. Siya na bahala kay hubby. 😭😭😭

Magbasa pa

Looking at other girls kapag nasa labas kami, watching lustful videos and pictures of other girls through different social platforms like Facebook and his addiction on pornography.. Napakababa na ng self esteem ko.. 😔 Also pagiging makatwiran at sinungaling. I never expected that he will do these things to me.. I'm very honest to him.. Kahit na alam ko pagmumulan ng away namin or magagalit sya nagsasabi pa rin ako sa kanya kasi he has the right to know. But sadly, he's not the same to me..

Magbasa pa
VIP Member

Siguro kung meron mang ugali ang asawa ko na gusto kong baguhin, yun yung pagiging selfless nya. Nakakainis kasi na kapag ibang tao kaya nyang pag gastusan ng sobra pero sarili nya di nya mabili mga pangangailangan nya. Sobra syang giver, sa family at friends ganun. Para naman mapasaya sya ako ang bumibili ng mga kailangan nya. Pero sana, isipin nya din ang sarili nya wag lang ang ibang tao. 😔💕

Magbasa pa

Hindi niya kami priority ni baby, lagi niya sinasabi sakin na mag antay daw ako kung kelan niya ako pwedeng kausapin at pag magkausap po kami nabwebwesit lang po siya sakin siya papo yung mabilis mainis kahit wala naman po akong ginagawa, dagdag pa daw kami ni baby sa problema niya sa bahay nila :( feel ko di niya kami ganun ka love ni baby at parang ayaw niya pa maging daddy.

Magbasa pa