153 Replies
Smoking. Buntis palang ako sinasabi ko na sakanya na sana unti unti na nya bawasan para paglabas ni baby, maalis na niya. Kaso wala naman nangyari, may hika pa si LO which is sakanya rin naman namana. Nakaka frustrate din madalas kasi kapag kinausap mo sya ng mahinahon, puro lang sya oo pero di naman ginagawa. Kapag naman galit na ko, galit na rin siya 🤷🏻♀️
Yung sobrang bait .. ung kahit walang wala na sya tas my lalapit na kaibgan kung anong meron na nattra sknya binibigay parin nya . Nkakaproud na mabait sya pero sna wag nmn sobra sobra ...hirap din syang humindi sa mga barkada pag nagkayayaan at pinaka ayaw kong linyahan is ung "minsan lang ulit kasi magsama sama" w/c is paulit ulit naman na nangyayari .. hmp ..
i really pray to change him. .but i dont know. ganun pa rin xa. sana maisip nya, kahit d q sabihin kasi pamilyado na sya. Mahilig makipag chat sa marami babae, sya mismo nag memessage. hays minsan nakita q inbox nanliligaw na. how so much pain i felt. then, umiyak nlng aq, sa sobra q tiwala, d q naisip na kaya nya gawin. 😕😕
•Yung kapag inutusan mamaya nang mamaya hanggang sa nakalimutan na nya at ending ako na nagawa. •Yung paninigarilyo nya. •Ying pagiging maluho nya na hindi man lang isipin yung para sa mga anak namin. •Yung pagiging madamot nya sa pamilya ko. •Yung labag sa loob nyang magshare kami sa mga gastusin dito sa bahay.
Hindi ko sigurado kung gusto kong baguhin kasi good trait sya pero yung pagiging sobrang giver at bait nya, minsan kasi dun nag-uumpisa yung problem to the point na naaargabyado na sya or nate-taken advantage. Syempre bilang partner ayaw mo namang nadedehado partner mo diba pero thankful ako kasi mabuti syang tao.
Wala na masyado siguro, dati mabarkada sya, regular din pag inom ngayon hindi na nakokontrol ko na sya bihira na din ang barkada tinutulungan na din nya ako sa gawain bahay at pag aalaga siguro nakatulong din yun madalas ko pagreklamo dati unti unti na nya narealize mas importante kami kesa kung kanino
yung paglalaro nya. pag naglaro sya asahan mo wala na syang paki sayo. ilang buwan na kami ganyan ang set up. bsta nagumpisa sya maglaro parang wala syang asawa to think na buntis ako sa first baby namin. di ka man lang matanong kung may sumasakit sayo. ilang buwan ko na rin di kinikibo. nakakapagod na
Yung feeling ko hnd ako worth it na naging asawa nya na baka pinakasalan lang ako dahil nabuntis nya ko. Never ko siyang naringan ng sorry pag nag-aaway kami. Hnd rin siya sweet na ultimo birthday mo, valentines at anniversary nyo parang wala lang dumaan lang :) but he's a good provider naman.
Wala naman ako.gusto baguhin sa asawa ko. Masaya ako na habang natagal ang panahon na bubuild up nya yung sarili nya . Kahit guide ko lang , nakikita ko na napakalaki na ng pagbabago nya from the day na nagkakilala kami until now. Masaya ako s akung ano man ngayon ang asawa ko. ❤💋
Depende sa ugali kung ano yon. But for me u shud accept kung ano man ang ugali ni hubby mo mag adjust kayo pareho ganon din kami dati ng hubby ko lero acceptance is the key. Pero depende sa kung anong ugali nya ha baka nambubbugbog na eh accept ka pa rin ng accept!