bawal ba mag yosi ang buntis
Kase ako po parang un po ang napaglihian kopo ung yosi pero po nakaka 3 stick lang po ako sa isang araw hinahanap hanap kopo kase talaga .as in nag lalaway po ako pag di ako nakakapag yosi po
Naiisip mo lang na yosi ang pinaglilihian mo pero hindi tlaga hinahanap hanap lang ng katawan mo ang bisyo mo. Kawawa lungs at heart ng baby mo. Kahit pasabihin mong 3 sticks sa isang araw lang yan. Kwentahin mo kung makakailang kaha ng yosi ka sa loob ng 9 months.. Baka pag labas ng baby mo wala na tunaw na lungs nyan or my congenital heart disease. Sorry pero napaka iresponsable mo naman po kung uunahin mo yosi kesa health ng baby mo. Super bawal na bawal ang mga bisyo pag buntis. Kahit yosi o alak pa yan bawal yan. Kung ano anong sakit ibibigay ko sa baby pag di mo tinigilan ang yosi. Pangalawa usong uso ang covid19 baka di mo rin nababalitaan na mas tinatamaan ng covid yung mga nagyoyosi. Ikaw bahala teh kung mahal mo pa buhay mo at buhay ng baby mo eh... Idivert mo attention mo sa ibang bagay kasi psychological lang yan dahil adik ka na sa yosi.
Magbasa paNag ccause po ng SIDS (Sudden Infant Death Syndrome) ang smoke ng sigarilyo Risk factors Although sudden infant death syndrome can strike any infant, researchers have identified several factors that might increase a baby's risk. They include: Sex. Boys are slightly more likely to die of SIDS. Age. Infants are most vulnerable between the second and fourth months of life. Race. For reasons that aren't well-understood, nonwhite infants are more likely to develop SIDS. Family history. Babies who've had siblings or cousins die of SIDS are at higher risk of SIDS. Secondhand smoke. Babies who live with smokers have a higher risk of SIDS. Being premature. Both being born early and having a low birth weight increase your baby's chances of SIDS
Magbasa paSuper bawal sis. Ako din nagyyosi dati 5 months na tyan ko tsaka lang ako tumigil, dun ko lang din kasi nalaman. Ngayon 5 and a half na ung baby bump ko medyo nagccrave din talaga ko lalo pag nasstress nilalabanan ko. Dinadivert ko sa iba ung attention ko tsaka cravings. Nagpapatugtog ako, nanunuod ng movie, naglalaro ng phone, nagbabasa, naglilinis ng bahay. Tutal mahilig ako sa sweets, although bawal masyadong matatamis, tikim lang. Mawala lang yung craving. Mas natatakot kasi ako kung anong mangyari sa baby ko sa loob. Pwede kasing magkaron ng defect si baby paglabas. And I'd do anything para isilang ng healthy ung baby ko. Lalo na gusto kong gwapo sya. Naku!! Takot na takot akong pumangit anak ko. Ahahaha. So quit mo na sis. ❤😊
Magbasa paHi, cigarette/yosi is very dangerous para sa baby mo. Sana naman isipin mo muna maigi baby mo bago ka mag ganyan. Meron akong cousin nagyoyosi din nung buntis siya, nangyari sakanya na-cesarean siya kahit 26weeks palang dahil may complications na sa baby. Ayun premature yung baby at sakitin din yung anak niya paglabas hirap sa paghinga. Alam ko yung feeling ng nag ccrave ng sobra pero sana nilabanan mo para sa baby mo. Tsaka tingin ko di yan sa paglilihi mo, bisyo mo talaga yan. 1 stick ng yosi is very harmful na tapos naka 3 sticks ka pa. Ewan ko sayo girl, naawa ako sa baby mo tigas ng ulo mo para kang yung pinsan ko. Nakakastress ka.
Magbasa paBisyo po yan hindi paglilihi momsh . Ganyan din po ako . 2-3 months na ata tyan ko nagyoyosi pa ako pero diko pa alam na buntis ako . Tapos nung nalaman ko na preggy na pala ako tiniis ko talaga di mag yosi . Yung tipong pati LIP ko pinapalabas ko muna ng bahay pag magyoyosi sya para di ako mainggit 🤣 Yes nakakatakam kasi routine ko na tlaga umaga tanghale hapon ang yosi . Pero nung nagtagal nagagalit na ako sa mga taong nagyoyosi kasi ang baho baho nakakasuka . Sabi ko nga kung dipa pala ako nabuntis di ako mapapatigil sa yosi kaya ko naman pala walang bisyo . 😅 Nakakasama po kasi sa baby yan momsh kaya kung ako sayo tigil muna kakayosi
Magbasa paSame here!! 😂🙋🙋
Hi sis! Kagaya mo smoker din ako before magbuntis pero tinigil ko nun nalaman ko na agad na buntis ako. At ititigil ko na talaga ito kahit manganak na ako. You need to sacrifice for the sake of your baby. Dalawa na kayo. And your baby is depending on you. You have a life there inside your womb. Magisip ka pls! You need to stop that aa soon as possible if you really love your baby. Kahit pinaglilihian mo pa yan kng makakasama bat mo gagawin in the first place di ba? Try eating banana instead baka makatulong pg gusto mo magyosi kumain ka saging. And please try to be healthy atleast for your babies sake.
Magbasa paSa tingin ko naman di ganun kasama ang pagyoyosi basta healthy ka parin at umiinom ng vitamins at milk everyday at may exercise. Kasi nakadalawa na kong anak at palagi din akong ganyan hinahanap ang yosi while im pregnant. At awa ng dyos hindi sila sakitin at healthy naman ang mga anak ko malalaki na sila ngayon at malalakas naman ang resistensya nila. Nasa pag aalaga mo din naman yan paglabas ng baby mo hanggang sa paglaki nila. At wag mo lang gagawin ay yung nagpapadede ka at naninigarilyo kasi dun talaga magkakaside effect ang baby mo.
Magbasa paMomsh kahit anong vitamins pa po ang ipangontra niyo against yosi hindi po nun malalamangan yung side effect ng yosi na ibibigay sa anak niyo 😢 kawawa po si baby.
Momsh sana matigil mo na po yan ASAP! Maawa ka sa inosenteng nilalang sa tyan mo. Sayo po xa naka depende. Kung ayaw mo pong mag suffer in the long run sa pagbabayad ng hospital bills at pag aalaga ng sakiting baby, better stop na po agad. Pag nag crave po kayong mghithit ng yosi, hanap po kayo ng ibang alternative. Instead na yosi, mag prutas po kayo. Mahirap po lubayan ang bisyo or craving na ganyan pero para sa batang nasa sinapupunan nyo po, gagawin nyo ang lahat para mabuhay xa ng malusog at normal pag labas nya po dito sa mundo. Be responsible po momsh.
Magbasa paMasama yan smpre ako nga addict din sa yosi dahil naiistress ako noon pero simula ng malaman ko na buntis ako di k p nga alam na buntis ako nun eh bigla naging mapait pnlasa ko kahit sa alak bigla ako nahinto d k rin alam nun bakit nag kaganon mga panlasa ko sa dalawang un tas malaman laman ko buntis ako ayon dere deretso ko na itinigil para sa mahal kung anak .. Ayoko sia mag kaproblema ang yosi anjan lang namn yan eh ang baby mo isang beses lang sia mappunta sa tyan mo at mag de developed kaya itigil m na yan teh bago pa tuluyan makasama sa anak mo.
Magbasa paOo sis ganyan din ngyare sakin kaya natigil talaga ko nun nag tataka pa nga ko nun bakit ganon na panlasa ko eh tas malaman laman ko buntis na pala ko .
Bawal po. Isipin mo baby mo baka kung ano mangyari jan pagsisihan mo lang sa huli. Kaylangan mo magtiis para kay baby. Lahat gagawin para kay baby. Ako nga po sobrang addict ko sa kape softdrinks at kung ano ano pa. Pero simula nung nalaman kong buntis ako, parang lalamunan ko na mismo yung nawalan ng gana na kumain at uminom ng mga bawal. Kahit nainngit ako sa iba, diko talaga mafeel na uminom or kumain non. Iniisip ko palagi na para kay baby. Tsaka na after ko manganak tsaka nalang ako babawi sa lahat ng gusto ko kainin, inumin or gawin.
Magbasa pa