Jennely Reyes profile icon
PlatinumPlatinum

Jennely Reyes, Philippines

VIP Member

About Jennely Reyes

Mommy of 1 playful princess

Posts(7)Replies(609)Photos(12)

Gana Be the Best, Propan: Tulong sa Chikitings webinar (insights)

PATIENCE is a virtue! Madalas naririnig natin iyan sa ating mga magulang, at ngayon naririnig ko sa aking sarili! Tama, sinasabi ko ang mga katagang iyan lalo na sa harap ng hapag-kainan. Kasi naman, ang anak ko ay isang "picky eater" o pihikan sa pagkain! Kaya naman, saktong-sakto ang webinar na ito sa akin, na inihandog ng @theasianparent_ph kasama ang @propantlc noong Biyernes. Napakahusay mag host ni Ma'am @candiceventuranza at napakahusay rin magpaliwanag ni Dr. @gellinamaala.md , isang pediatrician. Napakarami kong na-realize dito. Ay, sa totoo lang, nakaka-GUILTY! Pero alam ko hindi pa huli ang lahat! Napakarami ko ring natutunan, narito ang iilan: ✔️Dapat panatilihing masaya ang "meal time". Pwede silang kumbinsihin panandali, pero hindi ito dapat magresulta sa pag-aaway o iyakan. ✔️I-involve sila sa pagluluto (kung medyo malaki na ang anak) o sa paghahanda ng lulutuing pagkain, maging sa paghahanda ng hapag-kainan. ✔️Gawing makulay at creative ang ihahaing pagkain kay baby. ✔️Panatilihing "active" ang anak sa buong araw. "Move more. Sit less. Play together!" ✔️Bawasan ang screen time. No screentime for a year old below. ✔️Para makaiwas sa micronutrients deficiency, pumili ng isang supplement na makatutulong sa ating anak na manumbalik ang gana sa pagkain at mapanatili ang malusog na pangangatawan! Tulad ng PROPAN TLC. Mayroon itong 100% RENI Vitamin C (kaya't hindi na kailangang painumin pa si baby ng hiwalay na vitamin c supplement) pampalakas ng resistensya; LYSINE at B VITAMINS pampagana, TAURINE pampatalas ng isipan, Vitamin A pampalinaw ng mga mata, Vitamin E para sa malusog na balat, at mayroon itong CGF (Chlorella Growth Factor) at Vitamin D na pampatangkad! Ganun pa man, komunsulta sa inyong doktor para mas mapayuhan. Sa kaso ko, ang Propan TLC ay inirekomenda ng pedia ni Mia. Hindi ito magic, walang magiging pagbabago sa isang kurap lamang! Ang mahalaga ay ang mahabang pasensya nating mga inay. Kayo po, picky eater din ba ang anak ninyo? Propan TLC is also available in @beautyMNL https://beautymnl.com/brands/propan-tlc #propantlc #angsarapkumain #ganabehealthy #theasianparentph #1stimemom #toddler #webinar

Read more
 profile icon
Write a reply