Ultrasound
Kapag po ba inadvisan kayo na nagpaultrasound pwede po bang hindi na muna? Im 16 weeks pregnant po, sabi po kasi ng mother-in-law ko wag daw po muna magpaultrasound kasi baka daw po makakasama sa development ng baby yung radiation kapag iuultrasound.. Okay lang po ba yon na by 28 weeks pako mag uultrasound? Or kelangan po macheck si baby sa loob?. Thanks po in advance.
Ate di nakakasama sa baby ang ultrasound at higit sa lahat wala Yan radiation, xray po ang meron saka ipapagawa ba Yan sayo Kung Alam Nila nakakasama sa inyo NG baby mo, 7 o 8weeks ang gagawin sayo is trans v which is idedetect Kung may tibok na baby mo then sunod pelvic which is for gender, Kung maganda heartbeat ni baby o may diperensya, ayun po Yun Kaya wag ka matakot magpa ultrasound, baka Maya nyan may nangyayari na sa baby mo tapos kampante ka kasi sinunod mo biyenan mo na wag, ay naku ka.. Pag tumuntong NG 28 tiyan mo monthly na ang ultrasound NG baby.. Sana naliwanagan ka sa sinabi ko..
Magbasa paIt's better na magpaultrasound ka mommy. To check the development of your baby. Saka walang radiation ang ultrasound, soundwaves lang yan. Sa ultrasound ksi namomonitor kung okay ba ang development ni baby sa tyan mo. Nasusukat yung size nya if tama ba age nya, or if enough ba ung water sa tyan mo etc. Basta madaming benefits if magpapaultrasound ka basta advice ng obgyn mo.
Magbasa paNeed po talaga ultrasound, lesson learned po base from my experience sa first baby ko, kasi 2nd ultrasound ko noon nung 8 mos na tyan ko, tapos nakita dun super tuyo na yung panubigan ko. Ultrasound ng March 10, 2012..tapos. Cini-s ako ng March 19,2012..dapat due date April 12 2012...kaya need tlga follow ang o.b if need paultrasound, magpaultrasound.
Magbasa pafoLLow ur OB momshie,,,😊ndi lnG po prA mkitA ang gendEr ng bAby ang purpose nG uLtrasoUnd,,,pra mcheck diN po if my abnOrmaLities or wLa aNg dindaLa mO,,wLa pO msAma s uLtrasound,,😊,,akO po 6mos akO ng pA uLtrasOund dOon kO nLaman na mbAba pLa pLacenTa kO,,,keep safe mOmshie,,,32 weeks preggy herE,,😊
Magbasa paKung advise ng OB mo magpa-ultrasound, sundin mo. Mas alam nya kung ano ang kelangan para mamonitor ang baby sa tyan mo. Hindi radiation ang gamit sa ultrasound, kundi sound waves na nanggaling sa tyan mo. Nadedetect ng doppler yang small amount of sound waves which are then processed into images.
ako po mommy naka monthly check up kasi need ko monitor ikot ng placenta ko 25weeks nako pero diko pa alam gender ng baby ko kasi na nacover ng placenta.at may cyst din po ako na ninomonitor ni OB so far ok naman.less worry ako pag nagpapa ultrasound kasi nacheck ko monthly si baby ko☺️😅
sound waves po gamit sa ultrasound, wala siya radiation kaya safe na safe po magpa ultrasound. pag Ob/Sono ang Ob nyo every month ang ultrasound, okay naman parehong anak ko sa monthly ultrasound. mas nakaka relieve pa na nakikita mo growth and development ni baby pag nakikita sa ultrasound
yes po need magpa ultrasound kc nakikita dun ung heartbeat ni baby tpos kung meron enough amniotic fluid ang tyan mo sis at kung meron problem s pagbubuntis mo...tiaka ndi po masama ang ultrasound, kc ung iba p nga po weekly nag uultrasound dhil meron problem s pagbubuntis.
Hi mamsh unlike other imaging techniques, wala po radiation ang ultrasound. Safe po sya and only trained medical personnel po ang gumagawa nian. Do what your OB advised, kasi kayo rin naman magbebenefit nyan lalo na need yang imaging para macheck ang fetal wellbeing
Maganda po na magpa ultrasound pada laging namomonitor si baby. Ako every month inuultrasound, 8 months every 2 weeks and 9 months every week kasama na yun sa check up Ob/Sono kasi ob ko Hindi naman ako high risk pero mas better talaga na namomonitor si baby sa loob