Mittens ni baby

Hello mommies, ask ko lang po ilang buwan bago itigil yung paglalagay kay baby yung mittens niya? pati po yung socks niya? sabi kasi nung kapitbahay namin na may baby rin, 2 months pwede na daw wag lagyan, sabi naman nung mother in law ko, lagyan ko daw po muna. Thank you sa sasagot.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Advise sa’kin ng pedia namin after a month pwede nang tanggalin mittens at gupitan ng kuko si baby para magstart na siyang makapaghawak-hawak baka kasi madelay development ni baby kung matagal mong imimittens. Sa socks naman po depende, kung hindi naman nilalamig paa ni baby at mainit, kahit hindi na lang muna then sa gabi mo na lang siguro lagyan ng socks, depende po sa’yo.

Magbasa pa

sakin 2mos ko tinanggalan ng socks and mittens kaso pag araw lang. make sure din na clean ang mittens sa 2mons nya kasi sinasuck na nya yun. kahit din nagupit naman kuko nya minsan namumula parin mukha nya kaka kamot kaya sa araw ko lang tinatanggalan kapag may bantay baka kasi mata na yung makamot nya nakakatakot lang. ibabalik ko lang din suutin both socks and mittens kapag malamig

Magbasa pa
2y ago

Same po tau mii, 2mos po tinanggal kona po mittens at socks c baby, nilalagyan ko nlng po sya sa gabi, at pag malamig ang panahon..

Sabi ng pedia ni LO, 1 month wag na mag mittens and socks. Para madiscover nila yung sucking reflex gamit ang kamay nila. At motor reflex sa paa naman. Pero sa gabi naka aircon kasi kami nilalagyan ko socks ang Lo ko

TapFluencer

mga 3weeks lng nagmittens baby ko. after nun trimmed ko na kuko nya. mas okay kse mas naeexplore nya na mga kamay nya. sa paa naman dpende. kse minsan malamig paa nya. pro most of the time wla na sya socks.

SI baby ko depende sa panahon if malamig may mittens Sia pero Hindi ko na talaga Sia nilagyan Minsan nalang. tapos sock always ko nilagyan pero PAG maaraw inaalis ko na din

2month pwede na ingat lang sa pagputol Ng kuko dapat malinaw Mata mo akin kasi nagupit ko Yung daliri nya liit lang Naman haba kac Ng kuko