ASWANG
Kaninang madaling araw, nakarinig dad ko ng sobrang malalakas na lakad na padabog sa bubong namin at huni ng malaking ibon. Si dad yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa mga aswang aswang at pamahiin, pero nung narinig niya kaninang madaling araw yong kalabog, natakot talaga siya ng sobra. 10 weeks preggy here. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako or hindi. Kayo mga mamsh, may ganitong experience ba kayo? Ano ang ginawa niyo para mataboy sila?
Dati hindi rin ako naniniwala dito pero totoo nga nung pumunta kami sa bahay ng husband ko hnd ako makatulog kasi may naglalakad sa bubong ng bahay nila, hnd ako makatulog at takot na takot ako kasi pati sa bintana nila parang may nagpupumilit magbukas. Kaya mula nun ayoko ng matulog sa kanila. Sobrang nakakatakot din yung isa kong experience habang naglalakad papunta sa sakayan may nakasalubong kami ng asawa kong matandang babae nasa 70-80 na cguro at medyo mabagal na maglakad, malayo pa lang siya napansin ko na kc nakangiti na siya sa akin, nakakatakot yung ngiti nya hnd ko makalimutan pagtapat namin sa kanya bigla nya akong sinabihan na lalake daw anak ko, nakangiti at nakatingin parin samin hanggang papalayo. Ayoko siyang ijudge pero natakot talaga ako sa itsura at ngiti nya. Hanggang ngaun diko parin makalimutan mukha nya
Magbasa paSame here momshie 32weeks na po tyan q ngayun Naexperience q nung isang gav ang aso ng kapit bahay nmin tahol ng tahol na may kasamang alolong... Natakot aq tas simula talaga ng nabuntis aq may bawang ng nakalagay sa pusod q... Pero ng gavng yun biglang nawala samantalang nakakapa q pa yun nung nakahiga aq tas tumayo aq para kumuha ng headset kac manonood aq sa utube at para narin nd q mrinig ang tahol ng aso pagbalik q sa higaan q wala na nung pagkapa q sa tyan q nasa ilalim na ng unan q... Dahil sa nangyari nilagyan ng asin at bawang yung bintana at hinagisan ng asin ang bubong namin lalo nat pangalawang gav na kagav na fullmoon. bangong bango daw kac ang mga aswang sa mga malapit ng manganak kaya sa mga naniniwala at hindi magdoble ingat nalng po tau para sa safety ng ating mga baby...
Magbasa pasaken nun sis, sa first baby q, one time super init tlg kht 1am kaya ang ginawa q nag decide aq maligo. napansin q ung mga aso namin sunod ng sunod saken tapos pag sinasara q pi.to ng banyo tumatahol sila, kaya honayaan qng bukas. habang naliligo, napansin q n wala n.palang shampoo, since ilang hakbang lang ang tindahan, nag tapis aq at kumuha ng shampoo s tinda ni mudra, sunod n nmn mga aso at nag angil, la nmn aq.pake kc super init. since mababa bubong s tindahan, ramdam n ramdam at kitang kita q ung yabag, imposible naman may umakyat.kc d dn naman madali akyatin ng tao.un. kaya binilisan q n paliligo q at umakyat n aq. pti mga aso namin umakyat dn. kaya pinagawa saken, naglagay ng tingting s mga bintana at nilalagyan q ng katas ng kalamansi tyan q hanggang likod ng balakang.
Magbasa paGrabe! Samantalang itong aso at mga pusa namin e mga mahimbing na mahimbing ang tulog. Hahahaha.
January 16, quarter to 3, 38 weeks preggy may kumakatok sa ilalim ng higaan namin as in ramdam na ramdam ko yung vibration sa bed kada katok at akala ko magnanakaw na dumaan ilalim ng bahay since may space yung ilalim ng bahay mga 1meter height kasi bahain yung place ng hubby ko. That was the scariest moment of my life na naninigas na ako sa takot and finally got the courage na gisingin hubby ko nawala naman yung katok. So ayon nilagyan ng sanga ng pomelo yung ilalim ng bahay bintana at bubong. Tas kahit nung d ko pa alam na buntis ako (4months na tyan ko nung nalaman ko) always talaga ako naglalagay ng bala sa panty ko, iniipit ko sa may pelvis ko kasi every night nanaginip talaga ako na may tao sa ilalim ng bahay and it really gives me chills.
Magbasa pasakin nga sis sa first baby ko nung naglalabor ako may matandang nakaitim na damit sa may pinto namin madaling araw nung time na un nakita ng asawa ko tas narinig pa nya na nagsasalita ng ibang lenguwahe nung pinasabuyan ng pinsan nya ng asin nawala na ung matanda .. mas active daw yan sila pag malapit ka na manganak or pag manganganak ka na .. di masamang maniwala pero base sa experience ko totoo .. ingat kau lagi ng baby mo sis .. kada matulog ka sa gabi lagyan mo ng pulang damit ung tiyan mo .. ganyan ginawa ko dati kase every night meron sa bubong namin tsaka bago magdilim magsaboy ka ng asin sa bubong nyo tas maglagay ka ng bawang sa bintana nyo .. nasa caloocan kami nun pero madami daw talagang ganun kahit city pa ..
Magbasa pakakashokowwwt
same experience din sis.last month nmn sakin mataas yung bubung nmin kaya nkapagtataka din ang bigat bigat ng yapak sa bubung around 2 to 3 am yun. parang tao tpos nagpadulas p sa yero ng nakakangilo yung tipong pababa cguro sya.tpus maya2 rinig ko yung pagaspas ng parang anlaking ibon. never tumahol ung mga aso nmin.at di din nagising mga ksama ko sa hauz that time.. at yung reason kung bkit ako nagising nun dahil subrang init na init yung pakiramdam ko subrang alinsangan tlga. sabi nmn ng matatanda inaaswang ka tlga kapag ganun ang pkiramdam mo ng alanganing oras 6mos ako pregy nun..kaya siguro mabango n sa pang amoy nila.
Magbasa paI have same experience po 2 weeks ago gabi2 na may kumakalabog sa bubong namin and sabi pusa lang daw sabi ko namn bat ganun ang bigat ng paa at kahit ang lakas ng ulan is may ganun naglalakad parin sa bubong kung pusa yun di yun magpapaka basa para lang maglakad lakad sa bubong, pero ngyn pula nung nag lagay ako sa isang tela ng asin at bawang at tinatali ko sa tiyan ko at bumili talaga ako ng balisong at lagi naka tabi sakin pag natutulog ako,pati bintana at pinto may mga naka lagay na asin tas nag sasaboy din kapatid ko gabi2 ng rock salt sa bubong and ngyn wala namn ng naglalakad sa bubong namin sa awa ng diyos
Magbasa paako mamsh naexperience ko yan ung ang ingay tlga sa bubong tapos prang laging my nakamasid skn ewan ko kubg praning lang ako haha pero ung kapit bahay kc nmn one time my nakita daw sila s bubong nmn n parang kabayo daw hahaha kya simula nun nappraning n din mama ko ginawa nmn my bawang bawat kanto ng higaan ko haha pati sa bubong sinabitan nia ng bawang s my tapat ko tapos lagi ko binabalot sa itim ung tyan ko like itim n jacket pinapatong ko kc pag ganun daw d daw makikita ng aswang ung nsa tyan mo . hnd ako naniniwala pero gnawa ko n lang para din nmn sa baby ko un .
Magbasa paThanks mamsh. Maingay daw talaga sobra. Tapos lakad daw ng lakad ng pabalik balik. Parang paikot ikot sa bubong namin. Nakakapraning. Lahat kami sa bahay nappraning na. Gusto na namin magsumbong sa barangay para may rumonda na tanod kaso ang gusto pa nila e obserbahan namin kung aswang nga. Hahaha
hindi ako naniniwala kase nsa siyudad naman kame, i mean nsa kabahayn naman kame.. Pag may yabag sa bubong iniisip ko na lang pusa yon.. pero naexperience ko once, nag lalakad ako sa kanto namin, madilim na galing ako work, my nag sitsit sakin. pero iniisip ko pinag ttripan lang ako.. pero naglagay na ako ng mga bawang at asin sa paligid ng bintana namin, tinatakpan dn namin ng mkapal na tela ung bintana nmin at kinukumutan ko ng itim na tela ung tiyan ko pra mtutulog ako.. mejo di ko nraramdaman ung mga yabag na mabibigat s bubong.
Magbasa paNaalala ko sa panganay ko ganyan din, sa bubong namin mga 4 months akong buntis nun,may narinig akong lumundag sa bubong namin una magaan pa yung lakad na parang pusa katagalan bimibigat na na parang tao, kaya ginising ko na papa ko sabi ko may tao sa bubong, lumabas si papa pero bago pa siya makalabas nakatalon na yung nasa bubong pagtalon niya gumalaw talaga buong bahay namin, dahil kahoy lang naman bahay namin sa Cavite. Katakot, dun ako naniwala na may aswang nga.
Magbasa paTrue yan. Ang lolo ko albularyo sia. Ang aswang can turn into any creatures or animals like cat. Pinalo ng lolo ko noon ung pusa then umimik ng boses tao nung nasaktan sia. So creeeeepy but very true.