M I L

kamusta naman mga mother in law nyo? ?

401 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

My in-laws are super nice to me. Hinahayaan lang ako ni MIL na makialam sa kitchen nya yung pag may gusto akong lutuin, hahayaan nya lang ako para daw matuto akong magluto plus she is giving me advices para sa mas magandang pag sasama namin ng asawa ko.. Napaka swerte ko sa kanila 😊

Nakakabwiset sa totoo lang, alam nyang halos 1 decade nmin inantay pagbubuntis ko at ingat na ingat ako dhil sa 3rdflr kmi nktra kya nd ako masyado nkilos sa bhay dhil ayaw ko mag akyat baba ng hagdan pero minamasama nya at nagiinarte lang daw ako para ndi makatulong s gawaing bahay.

Ayun makulit, OFW husband ko..then na bed rest ako...walang choice kundi sya ung mag alaga sa akin sa apartment, jusmio 4am pa lang gcng na...tpos ang aga din matulog...kunwari tatanungin ka ano ung gusto mo, pero hindi naman makikinig...gagawin pa din nya gusto nya...hahaha kaka stress

Super sarap sa pakiramdam kapag may biyenan ka na mabait yung tipong para akong pa yung totoong anak niya πŸ˜‚ yung anak niya mismo pinapagalitan. Cant wait na makasama ko na si hubby gusto niya maexperience sumabog tenga niya dahil parehas kame ng mama niya bungangera πŸ˜…πŸ˜‚

Nakakaloka!! Pag sa ibang tao panay bigay pera sa mga pamangkin nya. Pag sa apo naman nya halos lahat sinisingil πŸ˜‚ di nga ma bilan ng kahit teg 30 sapatos pero sa ibang tao binibilhan nga teg 500 na sapatos! Hahah. Madami pang issue ayaw ko ng isipin! Naiinis lang ako

So far okay naman. Di kasi kami dun nakatira. Ayaw ng asawa ko dun kami manirahan sa kanila. Ayaw din nya ko mahiwalay ako sa family ko, the good thing pa is super close sya sa family ko kaya di sya naiilang makisama. Parang sya pa nga ang tunay na anak. Hahaha! πŸ˜‚

ok nmn mabait minsan lng kabweset paulit ulit..like lagyan daw ng bigkis c baby painumin daw tubig..kastress piyakin daw c baby pag umiyak nmn patahanin daw kasi yung pusod daw lalaki..minsan ayaw q n lng talaga mgsalita nakasimangot n lng aq..

VIP Member

Ayun, sa August dito na sya titira sa amin ng LIP ko, and first time din namin mag mi-meet by that time. Hoping naman ako na maging ok kami, despite sa mga negativity na nababasa ko about sa MIL ng iba dito. Ayaw ko muna mag judge. πŸ˜…πŸ˜

Kami po ng partner ko hindi pa kasal pero ramdam ko na mahal ako ng pamilya niya. Maalaga sila sakin, pharmacist ang future MIL ko, kaya kapag may need na gamot, siya ang nagvo-volunteer na bumili ng gatas at vitamins ko. Haha.

Okay na okay. Very supportive. Maybe, sa sobrang pagmamahal nila sa asawa ko na anak nila, ganun na din nila ako minamahal at inaalagaan. Same goes with mg family sa hubby ko. Kaya I am happy to say, I am blessed. 😊β™₯️