Hirap lang pag nasanay ka maging independent :(

Kalungkot pag nasanay kana sa sarili mong maging independent na di hihingi sa iba, kasi before ako mabuntis nagwowork ako at hindi na ako humihingi ng pera sa mga magulang ko, ako na nagbibigay. Pero ngayong buntis na ako at naubos na ipon ko sa mga food cravings ko at check up at vitamins, nakatira ako ngayon sa bf ko pero hindi na ako sanay manghingi saknya na kahit sobrang gutom ako, hindi ako humihingi, hindi nako nagsasalita kasi one time rin nagsabe ako sknya na bilhan nyako neto, tas di nya naman ako binibili okaya parang tamad na tamad sya bilhan ako. Di na rin ako makahingi sa mga magulang ko dahil nahihiya ako at nagiipon den sila para sa panganganak ko, feeling ko ngayon wala akong kwenta, walako magawa. Gusto ko na makaraos at hindi nakakranas ng gantong nalilipasan ng gutom, at puro crave lang :( pangako ko sa sarili ko na pag nanganak na ako at magwork uli, di ko gugutumin kami ng anak ko :(

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mula march hanggang august nka bedrest ako asawa ko lang din ang smsagot sa akin ngayon although malaki tlga sweldo nya..pero nung ngwowork ako lahat ng gusto ng asawa ko ultimo mamahaling games ng ps4 bnbgay ko tlga ☺️ ganon ko sya kamahal..bdays or anniv namen lage ako may paandar ☺️ ngayon di ako nhhyang mgsbe sa knya kse asawa ko sya at hindi mhhgitan ng khit anong mamahaling bagay ang pagkakaron namen ng anak.. wala syang pake sa gastos, wala syang pake sa gusto kong ipabili o kainin ang mahal ng duphaston mula march to june nka duphaston ako pero wala syang pake. Sya din gmgwa ng gawaing bahay kse nung di pa ako buntis ako lahat lahat twing weekend kase nga may pasok ako ng weekdays kapag lalabas kme noon nililibre ko sya ng food o hati kme sa food..all out din ako sa family ko at family nya lalo kapag my special occassions lage akong may pa aandar sa families namen.. Pero ngayon, stop muna ultimo daster sa shoppee di ko mabili kse ubos na last sweldo ko 😂 pero okay lang kse pagkabalik ko babawi naman ako... Ang sbe lng ng husband ko mg resign ka kung gusto mo or pwede wag din para may pang shoppee ka... wag po kayo mhya sa partner/asawa nyo lalo na kung di naman kayo naging pabigat sa knla nung di pa kayo buntis..responsibilidad din po nila kayo at di naman po habang buhay aasa kayo sa knla.. babawi din naman kayo kapag okay na ang lahat... isipin nyo BABY ang dinadala nyo di matutumbasan ng pera ang saya na ibbgay nya sa asawa at family nyo..bsta ipagpray nyo lang family at asawa nyo ng more patience and maging healthy like baby sa buong journey nyo kase un lang ang din maibbgay nyo ang ipag pray sila na maging okay din sila ☺️

Magbasa pa

kahit ako nahihiya narin sa mga magulang ko, specially sa papa ko... kasi syempre sarili ko na tong anak, sarili na naming pamilya kameng mag asawa ang dapat sasalo sa gastusin, kase tapos na sila sa amin/saakin (mga magulang) kaso sa baba ng provincial rate hindi talaga sasapat sa lahat ng pangangailangan, saktunan lang ang lahat, nag alaga kame ng baboy pang inahin sana, akala namin simula nang makakaraos kame, pero hanggang ngayon wala parin, lugi lang inabot namin sa alaga namin, na stress ako sa point na palagi kong naiisip parang mailap ang tadhana sa amin, hanggang kelan ganito, asawa ko dating maganda ang pangangatawan, ngayon sobrang namayat dahil sa trabaho nia, 15 hours siyang gising sa loob ng isang linggo, kung nagtataka kayo, opo 15 hours, 7 hours plus OT sa trabaho, at hindi siya pwede mag out hanggat di pa dumadating kapalitan nia, hindi siya secu, isa syang food handler sa isang kilalang bilihan ng letson manok, di ko na babanggitin, pero naawa ako sa asawa ko ngayon gusto kong sabihin na umalis nalang siya doon kasi hindi biro ang trabaho pero kailangan naandito kame sa point na manganganak kasi ako at kailangan namin ng pang gastos...

Magbasa pa

Nakakasad po mommy yung sitwasyon mo, hindi man ako maka relate kasi ako po kahit papaano binigyan ni God ng opportunity kumita habang nasa bahay lang, sa totoo halos saakin lahat ng gastos from check ups and foods. Kasi maliit lang sahod ng hubby ko. Pero kahit maliit lang sahod niya, binibigay niya parin pandagdag sa daily needs namin, at importante talaga sa kanya yung vitamins or makaka buti para saakin bilang buntis, strikto talaga siya pag alam niya di mabuti para saakin. Pero hindi rin maiwasan ma stress dahil hindi rin permanente yung kita ko sa work ko, anytime pwedeng walang sahod. Kaya nag iipon din talaga dahil walang ibang mahihingian ng tulong. Basta pray nalang po tayo mga mommy, makaraos ng healthy at safe tayo at mga baby natin.💪❤️🙏

Magbasa pa
VIP Member

Di sa independent ako, pero sanay ako na my sarili akong pera. Yung tipong pwede mong bilhin gusto mo kasi own money mo naman,di rin ako sanay humingi kahit binibigyan ako. Iba pa rin talaga pag sarili mo nang gagaling yung pera. Kaya kahit buntis ako pinili ko pa din mag work though hindi naman ako tagtag sa work. Kahit sinabihan ako na mag resigned or wag na ko magwork di ako nakikinig kasi nasanay ako na ako nag pprovide ng mga kailangan ko, nag pprovide naman si hubby pero yung joy na sayo mismo galing yung pera iba din.

Magbasa pa

Same situation, 14 weeks plang ako, di ko tlga makakalmlimutan tong sitwasyon naging aral nalng to sakin,sobrang hirap tlga mii, nakakamis yung dati kong lifestyle 😢 yung dati kong sigla kung gaano ako ka motivated dati, ngayon pati sarili ko hindi ko man lang ma ayusan last money ko na to galing sa sweldoko nung nung May, tapos yung asawa ko ngayon tamang chill2 lng tpos sabay sabi "ang taba ko na daw" "hindi na daw ako maputi" and etc...

Magbasa pa
2y ago

nakikita ko sarili ko sayo momsh huhu. Independed motivated free. ngayon regrets at throwback nalang.

Ako din mi, last sahod n dahil di din ako pinayagan mag work ng o.b yung andmi dami kong gustong i add to cart bilhin na mga pagkain pero di ko ko magawa kasi natatakot ako maubusan ng pera pero kahit papano iniraraos ako ng hubby ko sa check up vitamins, tubig ko pagkain pero nahihiya ako sa kanya, kasi malaki loan nya at konti lang natitira sa kanya... ayuko din kasi umasa sa mga kamag anak kasi ayuko makarinig ng bad comments.

Magbasa pa

Same tayo momsh tinitiis yung gutom wag lang manghingi sa magulang o partner ng gusto naten kaya nung dumaan ako sa paglilihi wala akong ni isang nakain sa mga pinaglilihian ko dahil ayokong magpabili o manghingi hindi dahil ayaw nila akong bilhan ayaw ko lang magpagastos kase alam ko malaki gastos pagkananganak ako at sa mga kailangan ni baby.

Magbasa pa

ito ang dahilan kung bakit kahit ang daming nagsasabi na magresign na ako sa work, hindi ko pa rin mabitawan ang trabaho ko. though binibigay naman ng asawa ko lahat ng pangangailangan ko, minsan nahihiya rin ako sa kanya manghingi kapag kinakapos ako. kaso ang hirap lalo na ngayon na mage8 weeks plng kami ni baby, laging pagod sa trabaho🥺

Magbasa pa

ganito din exactly feeling ko now depress kasi dati independent ako at now dependent nalang sa asawa. kaya plan ko after manganak ay last na to at di kona susundan pa. kasi di ka na kakayanin emotionally. ayoko na maranasan gantong feeling.

VIP Member

pakatatag ka momsh, basta kain ka lang kung anong meron muna importante di kayo magutom ni baby, halos same lang tayo ng situation may mga lalaki talagang bugok yung ulo, pero kaya mo yan para kay baby. Plano ko rin mag work after.