Hirap lang pag nasanay ka maging independent :(

Kalungkot pag nasanay kana sa sarili mong maging independent na di hihingi sa iba, kasi before ako mabuntis nagwowork ako at hindi na ako humihingi ng pera sa mga magulang ko, ako na nagbibigay. Pero ngayong buntis na ako at naubos na ipon ko sa mga food cravings ko at check up at vitamins, nakatira ako ngayon sa bf ko pero hindi na ako sanay manghingi saknya na kahit sobrang gutom ako, hindi ako humihingi, hindi nako nagsasalita kasi one time rin nagsabe ako sknya na bilhan nyako neto, tas di nya naman ako binibili okaya parang tamad na tamad sya bilhan ako. Di na rin ako makahingi sa mga magulang ko dahil nahihiya ako at nagiipon den sila para sa panganganak ko, feeling ko ngayon wala akong kwenta, walako magawa. Gusto ko na makaraos at hindi nakakranas ng gantong nalilipasan ng gutom, at puro crave lang :( pangako ko sa sarili ko na pag nanganak na ako at magwork uli, di ko gugutumin kami ng anak ko :(

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ito ang dahilan kung bakit kahit ang daming nagsasabi na magresign na ako sa work, hindi ko pa rin mabitawan ang trabaho ko. though binibigay naman ng asawa ko lahat ng pangangailangan ko, minsan nahihiya rin ako sa kanya manghingi kapag kinakapos ako. kaso ang hirap lalo na ngayon na mage8 weeks plng kami ni baby, laging pagod sa trabaho🥺

Magbasa pa