Hirap lang pag nasanay ka maging independent :(

Kalungkot pag nasanay kana sa sarili mong maging independent na di hihingi sa iba, kasi before ako mabuntis nagwowork ako at hindi na ako humihingi ng pera sa mga magulang ko, ako na nagbibigay. Pero ngayong buntis na ako at naubos na ipon ko sa mga food cravings ko at check up at vitamins, nakatira ako ngayon sa bf ko pero hindi na ako sanay manghingi saknya na kahit sobrang gutom ako, hindi ako humihingi, hindi nako nagsasalita kasi one time rin nagsabe ako sknya na bilhan nyako neto, tas di nya naman ako binibili okaya parang tamad na tamad sya bilhan ako. Di na rin ako makahingi sa mga magulang ko dahil nahihiya ako at nagiipon den sila para sa panganganak ko, feeling ko ngayon wala akong kwenta, walako magawa. Gusto ko na makaraos at hindi nakakranas ng gantong nalilipasan ng gutom, at puro crave lang :( pangako ko sa sarili ko na pag nanganak na ako at magwork uli, di ko gugutumin kami ng anak ko :(

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakakasad po mommy yung sitwasyon mo, hindi man ako maka relate kasi ako po kahit papaano binigyan ni God ng opportunity kumita habang nasa bahay lang, sa totoo halos saakin lahat ng gastos from check ups and foods. Kasi maliit lang sahod ng hubby ko. Pero kahit maliit lang sahod niya, binibigay niya parin pandagdag sa daily needs namin, at importante talaga sa kanya yung vitamins or makaka buti para saakin bilang buntis, strikto talaga siya pag alam niya di mabuti para saakin. Pero hindi rin maiwasan ma stress dahil hindi rin permanente yung kita ko sa work ko, anytime pwedeng walang sahod. Kaya nag iipon din talaga dahil walang ibang mahihingian ng tulong. Basta pray nalang po tayo mga mommy, makaraos ng healthy at safe tayo at mga baby natin.đŸ’Ē❤ī¸đŸ™

Magbasa pa