gutom na gutom

Ang hirap pala ng ganito..problema na naman ngayung araw paano makakakuha ng pagkain pantawid gutom lang..ang hirap lalo na sa sitwasyon ko ngayong 5 months akong buntis, stress at di makatulog..wala namang malapitan para makahingi ng tulong naaawa ako sa pinagbubuntis ko, nanginginig na ako sa gutom masakit ang ulo halos di ko na mahawakan ang mga gamit, ang asawa ko naman walang trabaho hanggang ngayon di pa umuuwi para lang makahanap ng pangkain namin..kung meron lang po sana mapagkuhanan..gustong gusto kong kumain ng masasarap para sa pinagbubuntis ko..wala man lang akong check up ni minsan..haist ang hirap ng ganito ok lang sana kung ako lang eh paano ang baby ko..hindi naman po ako humihingi ng kung ano ano makakain lang sapat na sana..

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry I can't really help financially dahil kami rin walang wala na at wala na rin kami makain. Prayers lang maooffer ko sainyo, pasensya na ha. Pwede ka magpa checkup sa mga health center, mamsh. Libre at at least natututukan ka habang buntis. Ako kasi noon, wala talaga kami pera din nung buntis ako, di din ako nagpa checkup talaga. Awa ng Diyos, ayos naman ang anak ko. Yun nga lang, wala din ka kaming pera ngayon

Magbasa pa
5y ago

Ok lang yun sis..makakarais din kami

Sa health center po libre check up pati nagbbgay din sila minsan ng free vitamins

Sa Health Center po libre ang check-up , may libre rin po silang mga vitamins.