Hirap lang pag nasanay ka maging independent :(

Kalungkot pag nasanay kana sa sarili mong maging independent na di hihingi sa iba, kasi before ako mabuntis nagwowork ako at hindi na ako humihingi ng pera sa mga magulang ko, ako na nagbibigay. Pero ngayong buntis na ako at naubos na ipon ko sa mga food cravings ko at check up at vitamins, nakatira ako ngayon sa bf ko pero hindi na ako sanay manghingi saknya na kahit sobrang gutom ako, hindi ako humihingi, hindi nako nagsasalita kasi one time rin nagsabe ako sknya na bilhan nyako neto, tas di nya naman ako binibili okaya parang tamad na tamad sya bilhan ako. Di na rin ako makahingi sa mga magulang ko dahil nahihiya ako at nagiipon den sila para sa panganganak ko, feeling ko ngayon wala akong kwenta, walako magawa. Gusto ko na makaraos at hindi nakakranas ng gantong nalilipasan ng gutom, at puro crave lang :( pangako ko sa sarili ko na pag nanganak na ako at magwork uli, di ko gugutumin kami ng anak ko :(

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kahit ako nahihiya narin sa mga magulang ko, specially sa papa ko... kasi syempre sarili ko na tong anak, sarili na naming pamilya kameng mag asawa ang dapat sasalo sa gastusin, kase tapos na sila sa amin/saakin (mga magulang) kaso sa baba ng provincial rate hindi talaga sasapat sa lahat ng pangangailangan, saktunan lang ang lahat, nag alaga kame ng baboy pang inahin sana, akala namin simula nang makakaraos kame, pero hanggang ngayon wala parin, lugi lang inabot namin sa alaga namin, na stress ako sa point na palagi kong naiisip parang mailap ang tadhana sa amin, hanggang kelan ganito, asawa ko dating maganda ang pangangatawan, ngayon sobrang namayat dahil sa trabaho nia, 15 hours siyang gising sa loob ng isang linggo, kung nagtataka kayo, opo 15 hours, 7 hours plus OT sa trabaho, at hindi siya pwede mag out hanggat di pa dumadating kapalitan nia, hindi siya secu, isa syang food handler sa isang kilalang bilihan ng letson manok, di ko na babanggitin, pero naawa ako sa asawa ko ngayon gusto kong sabihin na umalis nalang siya doon kasi hindi biro ang trabaho pero kailangan naandito kame sa point na manganganak kasi ako at kailangan namin ng pang gastos...

Magbasa pa