Iyakin

Kakapanganak ko lang nung Sep 28. Napaka-iyakin ni lo ko ? tipong pag tulog sya, gigising sya tapos iiyak agad, continues na pag iyak nya kahit pinadede ko na(breastfeed) Lagi yun. Kada gigising sya. kapag binibihisan ko, umiiyak din, same din pag magpapalit ng diaper. Grabe sya umiyak. Tapos minsan ayaw nya ng iniistorbo sya pag dumedede o kaya pag tulog, konting kibot, iyak agad. Sobrang likot nya din. As in. Madalas kapag umiiyak sya talagang nagwawala sya kaya nahihirapan ako minsan pag karga ko sya habang umiiyak. Ayaw nya din ng nakalapag kapag gising. Gusto lagi karga, minsan kahit karga na umiiyak pa. Ganito ba talaga pag newborn? Alam ko medyo naninibago pa sila. Kaso nagwoworry kasi talaga ako kay lo. Lagi ko naman sya pinapa-burp every after nya dumede sakin kaya di ko maintindihan ano kaya gusto nya. Medyo naiistress tuloy ako? I need an advice po mga mommy, ftm po ako. Please enlighten me ?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tayo momsh,.. 6weeks na baby ko ganyan pa din,.. minsan tuLoy sa sobrang stress at pagod ko nasasabihan ko sya ng kung ano ano,.. nagguiLty din ako,.. yun tipong mag hapon mag damag gising at iyak ng iyak,.. padedehin mo nag wawaLa pa din at iyak ng iyak,.. yun iyak na akaLa mo kinukurot at mag papahingaL muna bago dumede,.. nakakaawa na kasi sobrang paos na paos na,.. tas kahit dumedede umiiyak at naninigas katawan isang bwan paLang nakakatayo na sya sa sobrang tigas ni baby,.. tas dimo maLaman ano gusto,.. Lahat na ginawa namin kaso ganun pa rin,.. kahit swaddLe ayaw nag wawaLa, kahit sa duyan iLapag mo gising,.. nakakaiyak na din,.. nakakapagod,.. nakaka stress,.. nakaka depress,.. papa checkup na sana kanina sa pedia mag babaka sakaLi na may ma advice kung ano dapat gawin kaso waLa ached ang pedia,.. nakaka worry na din,.. akaLa ko baby ko Lang ganto,.. 😣kaya ako ninenerbyos na kasi kada gaLaw iyak ang hirap patahanin kasi dimo na aLam gagawin mo, tas hirap patuLugin onteng ingay kahit saLita nagigising tas iLapag mo gising pa din,.. kaya mangyayare mag hapon mo buhat at heLe pag dateng ng gabi waLa kna energy matutuLog ka nakaupo kasi buhat mo ayaw mag paLapag,.. huhuhu,..

Magbasa pa