Iyakin baby

pahelp naman po please. Any suggestion po. My son is 9 months old. Napakaiyakin nya. Pagilalapag ko sya sa playpen o crib. Iiyak na sya agad. Gusto nya lagi ako kasama pag nasa playpen sya. Ang problema ko. Hindi naman ako pwde lagi nasa playpen. Pag lunch time. Aalis ako para kumain, ccr at luluto ng food nya. Kaso habang ginagawa ko yun. Umiiyak na sya ng sobra eh lumalakas na yun iyak nya. Hinahayaan ko na lang sya umiyak ng malakas para matapos ako sa ginagawa ko. Anu ba pwde ko gawin para malessen yun iyak nya? Dami naman sya toys at watch naman sya cocomelon kaso umiiyak pa din sya eh. Kahit kasama na din nya ko. Umiiyak pa din sya. Napakaiyakin nya. Sabi ng iba nasanay daw sa karga. Planning ko na din magwork. Kaso hindi ko alam gagawen ko kong lagi sya iyak ng iyak. Thanks

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din dati si baby ko mommy. Di pa kase nila masabi yung kelangan o gusto nila kaya ganyan sila. Nung nagstart na sya makapagsalita di na masyado iyakin. Nasasabi na nya if anong gusto nya like milk, karga, o if may ipapaabot sya. If 9 months, baka pwede isama mo muna like if magluluto ka.. baka pwede yung matatanaw ka nya ganun. Tapos kausapin mo pa din habang nagluluto ka. May mga baby kase talagang super clingy eto ngang saken magdadalawang taon na lagi ko pa din kasama pagccr ako kase ayaw nya naiiwan mag isa.

Magbasa pa

Nothing we can do about it, sadyang most of them po clingy talaga, laging gusto nakikita/karga/kasama ang mommy, maybe because they feel safe and comfortable near us. Ganan din po baby ko, kaya hindi talaga ako maka alis alis ng bahay. i decided na wag na muna mag work, Pero mababago naman po sguro pag medyo lumaki laki na sila ☺️

Magbasa pa