Iyakin

Kakapanganak ko lang nung Sep 28. Napaka-iyakin ni lo ko ? tipong pag tulog sya, gigising sya tapos iiyak agad, continues na pag iyak nya kahit pinadede ko na(breastfeed) Lagi yun. Kada gigising sya. kapag binibihisan ko, umiiyak din, same din pag magpapalit ng diaper. Grabe sya umiyak. Tapos minsan ayaw nya ng iniistorbo sya pag dumedede o kaya pag tulog, konting kibot, iyak agad. Sobrang likot nya din. As in. Madalas kapag umiiyak sya talagang nagwawala sya kaya nahihirapan ako minsan pag karga ko sya habang umiiyak. Ayaw nya din ng nakalapag kapag gising. Gusto lagi karga, minsan kahit karga na umiiyak pa. Ganito ba talaga pag newborn? Alam ko medyo naninibago pa sila. Kaso nagwoworry kasi talaga ako kay lo. Lagi ko naman sya pinapa-burp every after nya dumede sakin kaya di ko maintindihan ano kaya gusto nya. Medyo naiistress tuloy ako? I need an advice po mga mommy, ftm po ako. Please enlighten me ?

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, ung naranasan nyo po kay baby ay nararanasan ko s baby ko ngaun, ask ko lng po kung ilang months c baby mo nung lumipas pagiging iyakin nya, nai stress n din po kz aq, d ko po alm gagawin q pag umiiyak n sya. Salamat mommy, sana matulungan nyo ako

4y ago

Naku mommy! Ilang buwan kong tiniis yung pagka iyakin nya. Medyo nabawasan lang nung nag 4 months na sya. Since day 1 hanggang bago sya mag 4 months grabe yung stress at hirap ko sakanya to the point na halos maiyak na ko sa inis at pagod. Ganyan talaga ang bata sis. Paiba iba ng mood habang tumatagal. Ang kailangan mo lang ay MAHABAAAAAAAAANG PASENSYA!!😂 Nakakapagod minsan na nakakainis pero syempre mangingibabaw pa din ang pagiging mommy natin. Kaya mo yan sis. Kung nahihirapan ka ngayon, okay lang yan. Basta wag ka lang susuko. Minsan lang naman sila baby. Lo ko ngayon ay 9 mos na. Nandito pa din yung pagka-iyakin nya pero hindi na kagaya ng dati na halos maya't maya umiiyak. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko yung mga panahon na baby pa sya. Haha. Kaya mo yan. Ako nga nakaya ko eh. Ikaw pa kaya 🙂