Nakakasakit Ng Loob Si OB

Kakapa check up ko lang po kanina. Ang sakit lang sa loob nung sinabihan ako ng OB ko ng "Tanga ka talaga". Nung nakaraan kaseng check up ko binawal niya ko sa baboy dahil mamantika. Tapos kanina tinanong niya ko kung kumakain na ko ng gulay sabe ko opo tsaka po minsan sinasahog lang ung baboy. Tapos bigla niya sinabe "Tanga ka talaga" wala ako sinabeng wag ka kakain ng baboy. E yun yung sabe niya nung last check up ko. Haaays tapos sabe niya "higa kana tingnan natin kung buhay pa yang baby mo". Natatakot ako pag sinasabe niya yan. Nung 1st time ko naman magpacheck up sa kanya sabe niya ang dumi dumi ko daw bakit daw nagpa buntis ako ng hindi pa ko kasal. (kesa naman ipalaglag ko tsaka 3 yrs na din kame nagsasama ng partner ko. Balak na namin magpakasal next year e nauna na nga lang si baby hehe) Wag na daw ako mag engrandeng kasal dahil hindi na ko virgin. Hindi ko man lang maipag tanggol sarili ko. Kung husgahan niya ko parang kilalang kilala niya pagkatao ko. Ang dami niya pa sinasabe na nakakasama ng loob tapos ang sasabihin niya no offense meant. Umiiyak na lang ako sa bahay dahil sa sama ng loob.

976 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din yung OB dun sa ospital kung san ako unang nag pa checkup.. Kung makapag sigaw akala mo sya nagpapakain sayo. Naguusap kasi kami tapos shempre naka mask sya tapos naka face shield pa. pero may harang naman kung san kami naguusap. Bukod sa hindi kona nga madinig, hindi kopa maintindihan. Kaya ano ako ng ano tapos lumapit lang ako dun sa nakaharang kasi wala talaga akong madinig at maintindihan. Sumigaw ba naman sabi "Wag kang lumapit mam sumandal kalang dyan sa upoan mo, alam mo.naman social distancing dba" dinalang ako sumagot pero isip ko nun "aba kung ayaw mong lumapit ako paki ayos ng inaadvice mo sakin.. ang lakas lakas mo sumigaw tapos pag inaadvice moko napaka hina." nakakawalang gana lang...

Magbasa pa