Do you still remember...

Kailan mo unang nakitang umiyak ang asawa mo?

Do you still remember...
105 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Last year, noong nafufrustrate siya na papaniwalain ako na hindi na daw siya magloloko, btw, he cheated on me habang buntis ako sa panganay namin. Though never naman sila nagkita talaga personally ng babae at thru chat lang ang naging ugnayan nila because of online games, still I consider it cheating lalo na at nakapagpadala na siya ng pera doon. At kahit alam niyang alam ko ang lahat ng ginawa njya, still ipinagpatukoy niya pa rin. Alam niyang nababasa ko lahat ng exchange of messages nila nung babae, hinayaan niya pa rin. It was a big insult sa akin. Naospital pa ako ng dalawang beses habang buntis and gave birth prematurely dala na rin siguro ng stress. Went through that pero hindi pa rin nastop ang ugnayan nila nung babae, nanganak na akot lahat, sila pa rin, until I decided na umuwi na muna ng probinsiya while on leave. At nung bumalik na nga ako, akala niya, parang walang nangyari, akala niya babalik na kami sa dati. Doon na akonnag start manumbat ng lahat ng mga pinagdaanan ko. Ako lahat ang gumastos sa panganganak ko, simula check up hanggang manganak. We're married pero ang pinagtatrabahuhan niya, halos sa pamilya niya napupunta, I never complained about it. My trabaho ako. Pero nitong pagkatapos ng ginawa niya, inobliga ko na siya. Nasa magulang ko ang anak namin. Kulang na lang sairin ko ang buong sweldo niya kasi nagawa niyang magpadala sa babae niya kahot never siyang nagbigay sa akin nung buntis ako at manganganak. Umiyak siya noong pinipilit niyang ibalik sa dati pero hindi ko maramdaman sa sarili ko iyong sincerity, until now, it's been a year pero sariwa pa sa akin ang lahat, we're together pero hindi na gaya ng dati. Iyong mga luha niya pakiramdam ko hindi totoo kasi nagawa niya akong lokohin sa panahong kailangan ko siya, i suffered emotional breakdown and became suicidal. Cheating was new to me then, it was unexpected of him pero nagawa niya. At habang nakaratay ako sa ospital, fighting for our child, ipinagpapatuloy niya pa rin. Nagawa pa akong awayin kahit alam na bawal akong mastress because my Ob told me na dapat bed rest na lang tlaga ako noon hanggang manganak. Kaya ang iyak ng asawa ko, it was a crocodile tears for me.

Magbasa pa
4y ago

Hi mommies, we're doing fine na. We're trying to make things work for our family. We both do our best to be the best parents and learning to compromise. Everything won't be the same pero what's more important is our family. It was the worst experience but it was the best lesson for me, learning that too much love could really kill, not necessarily physical but emotionally. I still have break down episodes, those times still haunting me but I have my parents on my back and my children who motivates me to go on and move forward. Learning to forgive is better to stay mad for everyone. Life is still beautiful.